Letter (9)

2.1K 124 2
                                    

Dear Papa Jesus,




                                 Lalong tumatagal lalong lumalala. Papa Jesus, hindi Ka po ba naaawa sa akin? Hindi pa po ba sapat lahat ng paghihirap na nararanasan ko at namin? Diba po makapangyarihan ka? Kaya Mo pong alisin ang sakit ko, kaya mo pong ibalik sa lahat ang dati pero bakit hindi Mo po ginagawa? Diba po mabait Ka? Bakit ko po ito nararanasan lahat?




                                Hindi po ako galit Sa'yo, gusto ko lang po magtanong at gusto ko pong marinig ang sagot Mo sa lahat ng tanong ko. Lahat ng nangyayari sa akin may dahilan, pero Papa Jesus ano pong dahilan? Ano pong dahilan lahat ng paghihirap kong ito? Halos araw-araw, segu-segundo at minu-minuto Kitang kinakausap pero kahit isang salita wala akong marinig mula Sa'yo, totoo Ka po ba talaga?





                                Papa Jesus, sorry po sa lahat ng mga sinasabi ko hindi ko lang po kasi mapigilan sobrang hirap na hirap na po ako at nasasaktan akong nakikitang nahihirapan ang mama ko. Halos kalahating taon na kaming ganito, halos kalahating taon ko ng nakikitang nahihirapan ang pamilya ko. Papa Jesus, ano pong rason kung bakit hindi Mo pa rin ako kinukuha? Bakit po nasa mundo pa rin ako?



                                Naiinis po ako sa sarili ko, wala akong magawa para hindi umiyak ang pamilya ko at hindi po sila mahirapan. Papa Jesus, inis na inis po ako sa sarili ko dahil ako ang may kasalanan at ang sakit ko. Inis na inis po ako Papa Jesus, wala akong magawa. Wala...




                                Lalong lumalabo ang mga mata ko, sa totoo lang po hindi ko alam kung nasa tamang linya pa ba ng papel ang mga letrang isinusulat ko, natatakot po ako dahil baka bukas o mamaya tuluyan na akong mabulag. Papa Jesus, nagtataka po ako kanina kung sino po ang babaeng yumakap sa akin habang umiiyak at paulit-ulit niyang binibigkas na mama ko raw po siya. Papa Jesus, mama ko ba talaga siya? Kasi hindi ko siya kilala, kahit anong pilit ko hindi ko makilala ang mukha niya pero nararamdaman ko pong mahal na mahal ko po siya. Papa Jesus, kung ito po ang epekto ng sakit ko bakit naman po si mama pa ang nakalimutan ko?



                                 Hanggang dito na lang po muna Papa Jesus, sobrang sakit na naman po ng ulo ko pero kailangan kong tiisin at kailangan kong maging malakas. Nararamdaman ko na pong malapit na Kita makita, malaman kung ano ba talaga ang totoong hitsura Mo, masilayan ang langit, bilangin ang mga anghel at higit sa lahat malaman kung anong address sa langit. Papa Jesus, nararamdaman ko na pong malapit na.




I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusМесто, где живут истории. Откройте их для себя