Letter (11)

1.9K 115 1
                                    

Dear Papa Jesus,




                                 Bakit po ang aga Mong kinuha si Zero? Kahit na hindi ko po siya matandaan kung naging kaibigan ko ba talaga siya nang dahil sa sakit ko nasasaktan pa rin po ako sa pagkawala niya, kanina pong pumunta kaming burol niya para lang po siyang natutulog. Ganoon po ba talaga kapag patay na? Parang natutulog lang at wala ng mararamdaman? Siguro po masayang-masaya na si Zero riyan sa langit, nakikipaglaro sa ibang anghel, nahahawakan ang ulap, may pakpak at bilog sa ibabaw ng kanyang ulo. Siguro po nakita na niya ang totoong hitsura Mo.



                                Papa Jesus, salamat po at nakilala ko si Zero, naging kaibigan, naging parte po siya ng buhay ko at buhay niya. Papa Jesus, Ikaw na po ang bahala sa mga taong iniwanan niya lalo na po ang mga magulang niya. Ngayong wala na po si Zero hindi ko na po maibibigay ang sulat ko para sa kanya, hindi bale po isasabay ko na lang ang mga sulat ko Sa'yo at sulat ko para sa kanya kapag nalaman ko na po ang address diyan sa langit.


                                Papa Jesus, pakisabi po kay Zero mahal ko po siya at napakabuti niya pong kaibigan.


I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon