Chapter 9: Vampire

Magsimula sa umpisa
                                    

"Can we just go shopping first, please?"

"Pwede naman yan mamaya, Mish. Let's just eat and go to National Book Store, first."

"Pero kakakain lang natin ng breakfast!"

"Yeah." Syn looks at her wrist watch then to Mishie again. "4 hours ago. It's already 12 in the afternoon so we're going to eat first. Got that, Ms. Mishiena Brent slash Goody-goody?" Naiirita nang sabi ni Syn. Mas maiksi pa talaga sa galamay ng gagamba ang pasensya ni Syn pagdating kay Mishie. 

Natawa nalang ako sa nakikita ko sa kanilang dalawa which is dapat hindi ko na ginawa dahil parehas silang tumingin sa'kin. Tumigil ako sa pagtawa at tinaasan silang dalawa ng kilay. "What? I'm creepy again? Or maybe this time, I'm already a weirdo?" I asked.

"Are you intellectually impaired or something?" They said in unison. Mas lalo akong natawa. Sa wakas, nagkasundo rin sila. Kahit sa isang bagay lang. At ang bagay na iyon ay ang laiitin o punahin ako lagi but I don't care. I love these girls.

"The answer is obvious." Syn muttered habang naiiling iling.

"No doubt. Let's go." Mishie agreed and they both started to walk.

Tumigil ako sa kakatawa nang makitang malayo na sila sakin. Napangiwi ako. Seriously? Diba ako yung nag-aya sa kanila ditto? Pero iniiwan nila ako? At sila pa ang namimili ng pupuntahan? Jeez. "Wait for me, bestfriends!" I shouted not minding the people around me.

**

Tahimik akong naglalakad pabalik sa table namin dito sa McDo. Galing ako sa rest room at katatapos lang rin naming kumain. Tuwing pupunta kaming tatlo sa Mall, kung saan saan lang kami kumakain. We’re not fond of classy restaurants kaya kung hindi sa food court, sa Jollibee, Kfc, Chowking at kung ano pang makita naming pwedeng kainan kami kakain.

At ngayon, mas nauna naming nakita ang McDo kaya dito nalang kami kumain.

Napansin kong medyo hindi maganda ang mood nung dalawa habang papalapit ako sa kanila. It’s like they’re talking something really sensitive. Kulang na nga lang, pagdikitin nila ang mga noo nila para lang walang makarinig ng pinag-uusapan nila.

“What’s with the atmosphere?” sabi ko nang pabiro at umupo sa tabi ni Syn. Nasa tapat naman namin si Mishie.

Bigla silang tumahimik nang dumating ako. Ano’ng meron sa dalawang to?

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon