"Aampunin kita."

"Paano 'yong utang ko sa 'yo. Wala akong pambayad. Isang milyon ang ibinigay mo. Totoo ba 'yong cheque na 'yon? Hindi 'yon tatalbog?" Humihikbi pa rin ito habang nagsasalita. Marahang natawa si Dock.

"Totoo 'yon. Huwag  mo ng isipin 'yon. Ang mahalaga ligtas ka na." Inabot niya ang mukha ni Geallan at masuyong hinaplos ang pisngi nito.

"Napakabait mo!" Mahigpit itong yumakap sa kanya. Nakasubsob ang gilid ng mukha sa kanyang dibdib.

"Dalawang beses mo na akong inililigtas. Kahit pagsilbihan kita habang buhay gagawin ko makabayad lang ako sa kabutihan mo."

"Hindi kailangan, Geallan."

"Pero sobra-sobra ang ibinayad mo, Dock."

"I would have paid double, or even  triple if I had to just to get you away from that fucking place."

"Pero bakit? Hindi mo naman ako kaano-ano?" Bakit nga ba? Naglabas siya ng malaking halaga para sa babaeng hindi niya naman talaga kilala. Ngayon lang niya 'to ginawa.

"Magkaibigan tayo."

"Waahh! Ang bait bait mong kaibigan!" Marahang natawa si Dock  nang itinudo nito ang iyak. Parang baka na umatungal. And that makes her even cuter. She doesn't  care about  her poise.

"Tahan na! Kapag hindi ka pa tumigil ibabalik kita doon." Umiling si Geallan at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Pinigil nito ang pag-iyak.

MADILIM  pa nang magising si Geallan. Nasanay na talaga siyang magising ng ganitong oras. Papalaot para mangisda at buong hapong magtatrabaho. Isa pa ay napakababaw ng tulog niya. Sa bawat kilos niya ay nagigising at si Rex ang unang pumapasok sa isip niya at ang ginawa ng lalaking 'yon. Hanggang ngayon kahit alam niyang ligtas na siya ay matinding takot pa rin ang nararamdaman niya.

Bumangon siya nang sumapit ang alas sais at tinungo ang silid ni Dock. Hihiram sana siya ng damit kaso tulog pa ang binata. Gusto niyang maligo. Hindi siya nakapagtanggal ng make-up. Nagkalat ang eyeliner sa ilalim ng kanyang mata. Mukha siyang bruha.

Hindi napigilan ni Geallan na umupo sa gilid ng kama at pagmasdan ang binatang mahimbing na natutulog. Wala itong damit at natatakpan lang ng manipis na kumot ang ibabang parte. Hindi ba ito nilalamig? Ang lamig sa silid nito at kahit sa  silid niya ay ganoon din.

"Napakaguwapo ng lalaking ito. Sobra!" Inabot niya ang mukha ni Dock at buong suyong pinaglandas ang dulo ng daliri sa pisngi pababa sa jaw line na may matalim na papatubong balbas.

Marahan niyang hinaplos ang labi nito. Napakalambot. Hindi niya pa rin makalimutan ang pakiramdam na nasa labi niya ang labi nito. Ang takot na lumukob sa kanya nang muntik na siyang malunod ay biglang nawala  nang halikan  siya ni Dock.

Hindi ka niya hinalikan, water resuscitation lang 'yon dahil tatanga-tanga ka! Kontra ng bahagi ng kanyang isip.

Bumaba ang mata niya sa katawa ni Dock. Bahagya siyang lumunok sa ganda ng katawan nito. Hmmm... hindi naman nalalayo sa ganda ng katawan ni Javan. Firm na firm din at noticeable ang ganda ng form ng abdomen. Iyong parang may mga pandesal sa tiyan. Geallan's gaze drifted down, following the soft  dusting of hair that trailed down his abdomen. Nang bumaba pa ang mata ni Geallan ay natuon iyon sa nakaangat na kumot. Tila gumawa ng tent ang kaibigan nito. Dapat ay mag-iwas siya ng tingin pero hindi niya magawa. Sa halip ay nacurious pa ang dalaga kung ano ba ang suot nito kapag natutulog.

Si Javan sweatpants ang suot kapag natutulog. Minsan pinapasok siya ng mama ni Javan sa silid nito at pinapagising sa kanya ang binata. Kulang na nga lang ay ikulong  sila ng nanay ni Javan sa silid para may mangyari sa kanila at tuluyan na silang ikasal. May mga sandali na muntik-muntikan na siyang bumigay kay Javan pero tumitigil naman ang dating kasintahan kapag tumutol na siya lalo kapag nadadala na ito.

Fatal Attraction 2: Get WildWhere stories live. Discover now