HEK-6

5K 180 3
                                    


HEK-6

NANG pumasok ako sa unibersidad ay wala pa rin akong sigla kung magturo. Maaga kong tinatapos ang aking klase. Hinahanap ng mga mata ko si Alquin. Ngunit ni anino niya'y 'di ko mahagilap. Tinungo ko ang ilog at muli ay doon na naman nagpalipas ng oras. 

"Hindi ba't dapat ay nasa klase ka?" Agad akong napalingon sa aking likuran. 

"Alquin," anas ko.

"Tapos na ang aking klase," sagot ko at inilubog pang  lalo ang aking katawan sa ilalim. Wala akong anumang saplot sa aking katawan. At kapag umahon ako'y makikita niya ang aking kahubadan. 

"Ngunit hindi ka pa rin dagat nagtungo rito. Maraming masasamang loob na magkakainteres sa iyo." Sa sinabi niya sa akin ay dahan-dahan akong umahon sa tubig. Agad siyang napatalikod. 

"Sabihin mo nga sa akin Alquin. Hindi mo ba talaga ako kilala?" Humarap naman siya sa akin. Kasabay niyon ay ang paghubad niya sa kanyang tsaketang gawa sa katad. 

"Bakit Mocha? Sino ba ako sa buhay mo?" 

"Bakit? Maniniwala ka ba sa akin?" 

"Subukan mo," hamon nito. 

"Saka na," sagot ko at tinalikuran siya. Pinulot ko ang aking mga damit. Diretso ako agad sa silid ng pakultad. Sakto at wala pang tao kaya nakapagbihis ako agad. Umupo ako sa aking mesa at nilunod ang aking sarili sa paggawa ng eksam para sa mga bata. 

ALA SAIS na ng gabi ko natapos ang eksam na aking ginawa. Wala si Ericka sa aking tabi dahil pinauna ko na siyang umuwi. Habang tinatahak ko ang daan pauwi ay agad akong napahinto nang maamoy ko ang itinakda. Agad kong nailabas ang aking sandata. Ibang klase ang nilalang na iyon. Siya ang aking itinakda ngunit nagagawa niya akong saktan. Hangal! Mahigpit kong hinawakan ang punyal. Ngunit hindi lang basta punyal ang hawak ko ngayon dahil gumamit ako ng banal. Maari akong masaktan dito ngunit sisiguraduhin kong mauuna siyang nakaratay. Agad na nagbago ang aking anyo. Nang biglang may kadenang kumapit sa aking kanang kamay. Agad akong napaso ngunit mabilis ko itong hinila. Tumunghay siya sa aking harapan at sinuntok ako sa aking sikmura. Sa lakad ng suntok niya'y diretso akong bumagsak. May bakal din na palamuti ang kanyang kamao. 

"Mas lalo kang naging matigas," mariing wika nito. Akmang hahawakan na sana niya ako ngunit naisaksak ko sa kanyang balikat ang banal na punyal na aking hawak. Bahagya siyang napaatras. Tinanggal niya ang punyal at itinago. Hinila niya ang kadena. Maging ako ay nahila rin dahil sa malakas na puwersa. Ngunit itinukod ko ang aking isang kamay upang huwag niya akong mahila. At kahit pa napapaso ako'y hinila ko ang kadena. Nang siya naman ang nabuwal ay agad ko siya nasipa sa tagiliran. Tumama siya sa poste ng ilaw. Muli ko siyang sinugod. Tinadyakan ko siya at sinuntok sa mukha. Natanggal ang kanyang puting maskara. 

"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako! Hangal! Kapantay mo man ang lakas ko ngunit 'di mo pa rin maipagkakailang isa akong Zoldic!" 

Kinuha ko ang poste ng ilaw at ipinalo sa kanya. Sa ibang direksyon na naman siya napunta. Mas lalo akong napikon dahil ang kadenang nakakabit sa akin ay hindi pa natatanggal. Bigla naman siyang tumayo at tumawa ng malakas.

"Mahal ko, isa ka ngang Zoldic ngunit ako ang sandatang uubos sa lahi ninyo." Agad na kumunot ang aking noo. Magsasalita pa sana ako pero biglang may kadena ulit na lumitaw at gumapos sa akin. Napahiyaw akong malakas dahil sa pagkakapaso ng aking balat. Hindi isang normal na paso ang nililikha nito. Pinapatay nito ang mga litid sa aking katawan. Nagagamot ito ngunit paano ako makakawala sa kanya. Kailangan ko ng dugo! 

"Ah!" muling hiyaw ko. "Omnipotens Luna," sambit niya dahilan para mamilog ang aking mga mata sa gulat. 

"Huwag!" pigil ko. 

"Princeps prohibetur concupiscentia mea requiem," aniya at bigla akong nawalan ng ulirat. 

HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]Where stories live. Discover now