HEK-2.2

5.8K 189 11
                                    

HEK-2.2

  "Alquin," anas ko. Nang lingonin ko ito'y laking gulat ko rin nang huminto ito sa paghakbang at nilingon ako. 

 "Nagkakilala na ba tayo?" aniya. Bahagyang umawang ang aking mga labi. Nalintikan na! Hindi niya ako nakilala. Imposible! Ngunit sigurado akong hindi ito nagkukunwari lang. May amnesya kaya ito?    

  "Hindi," agad kong sagot. Tinalikuran ko ito. Nakuyom ko ang aking kanang kamao. Alam na alam talaga ni Steffano kung saan ako itatapon. Hindi naman pala ito mahirap hanapin. Ang mahirap dito ay kung paano ko ito ibabalik sa isla Bakunawa. Humarap ako kay Ericka.    

  "Umuwi ka na. Kaya ko ang aking sarili." Kinuha ko sa kanya ang mga gamit ko.    

"P-pero ate ang bilin ni..." Matalim ko siyang tinitigan. Tinalikuran ko na siya at pumasok sa unang silid-aralan na aking nadaanan. Punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Bakit ito biglang nagka-amnesya? May ginawa kaya ang mga Seltzer sa kanya? Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-iisip nang biglang may bumato sa akin. Agad akong nakailag. Tumama ang bola sa pisara at ang kahoy naman ay nasalo ko sa aking kanang kamay. Nang humarap ako'y lahat sila ay natigilan. Napataas ako ng aking kaliwang kilay at naigting ang aking mga panga. Inilapag ko sa mesa ang mga dala kong gamit.  


"Hindi ba't bawal ang ganyang pag-uugali rito sa unibersidad?" Tinawanan naman ako no'ng bumato sa akin. 

 "Bakit? May angal ka?" maangas pa nitong sagot sa akin. 

 Bahagya akong umismid. Kinuha ko ang bola at kinumot ito na para bang isang papel lamang. Lahat sila ay namilog ang mga mata. Maliban sa bumato sa akin. Inilapag ko ang kahoy sa mesa at ang bolang wala nang hangin. Lumapit ako sa binatang bumato sa akin. Agad kong binago ang kulay ng mga mata ko nang tuluyan akong humarap sa kanya. Napaatras siya.    

  "Kilala mo ako 'di ba?" bulong ko sa kanya. 

 "Z-zoldic..." nanginginig niyang sagot. Pilya ko siyang nginitian at pinagpagan ang kanyang uniporme. Inayos ko pa ang kanyang kurbata. 

 "Mabuti," sagot ko at humarap na sa mga istudyante ko. Normal na ang kulay ng aking mga mata. "Nagbibiro lang talaga si Leo mga butihin kong mag-aaral. Magsimula na tayo." Lahat bumalik sa dati ang kanilang mukha. 

"Magandang umaga. Ako ang bagong guro ninyo sa Kasaysayan. Nawa'y magkasundo tayo," nakangiti kong wika. Lahat naman sila ay kinuha ang mga libro. Lihim akong napangiti.  

HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]Where stories live. Discover now