C H A P T E R 20: Revelation 😱

555 51 31
                                    

This Chapter is dedicated to my beloved Active and silent readers and sa mga nagPPM saakin sa FB at Watty na mag Update hahah. At syempre sa mga kaibigan kong walang sawang sumusupurta sa stories ko. Sana supportahan nyo din ang stories nila. NsyncCrow Shawniceee yhuri_12 Fighter_Fumi NoonaVie pmvianney ms_kathe zahira_48 Yeowang_ida AkoSiTeryo vkes1997 Danlans jhonasullo RainJ01 ronwelicious Kell_river11 Pucca_huntas reyanicayan worldwideuhandsome IHateYouDumbass gelai_WP. Sana support nyo din mga stories ng mga friends ko worth it promise. 😘❤

------------------

SERENA'S POV

"SERENA"

"SERENA"

"SERENA"

May naririnig akong tumatawag sa pangalan ko. Ramdam na ramdam ko ang dahang dahang pag tapik nya sa pisngi ko. Pero sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko hindi ko magawang imulat.

"Ugh" napadaing ako sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Sobrang bigat at sobrang sakit ng buong katawan ko.

"Serena please gumising ka"

"Serena"

Ayan nanaman yung tumatawag. At pag tapik sa pisnge ko.

Punong puno ng pag susumamo ang boses na naririnig ko.

"Serena gumising ka"

Sa pangalawang pag kakataong sinubukan kong muling imulat ang mga mata ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. At nakita ang isang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko.

"R-rita?"

"Serena!" Nakita ko kung paano nagkaroon ng pag asa ang nga mata nya ng magsalita ako.

Pero pano?

"A-anong nangyari? N-nasan ako?" Sobrang nanghihinang sabi ko. Nakahiga parin ako sa isang madilim at blangkong silid.

Jacob.

Agad akong napabangon ng maisip ko si Jacob.

Naalala ko na.

Naalala ko na kung anong ginawa ni Jacob saakin.

Pero bakit?

Alam na nya na ba?

"Ugh!" Napadaing ako sa sobrang sakit ng katawan ko at wala sa sariling napahawak sa ulo ko.

Billionaire's MermaidМесто, где живут истории. Откройте их для себя