C H A P T E R 2: I finally Found you ❤

1.2K 240 266
                                    

The picture above ay yung katulad ng Birthmark kuno ni Serena sa mukha. Katulad po nyan mismo hihi. 👆🔝

This Chapter is Dedicated to PuccaQtqt. Thank you So much sa pag support ng story ko. 😍

-------

Serena's POV

Naglalakad ako ng pagewang gewang sa isang kalsada. Ang iba ay may pag aalalang tinitingnan ako samantalang karamihan ay tinitingnan ako na may pan didiri at panghusga sa kanilang mukha. Tama nga si ama ibang iba ang mga tao saaming mga Mermaids. Ang mga tao ay mapang mata at walang pakialam sakapwa.

"Hayst!" Sigaw ko sa prostrasyong nararamdaman ko. Bakit ba nila ako pinag titinginan? Bakit ba sila ganyan maka tingin? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Baka ngayon lang sila naka kita ng ubod ng ganda tulad ko.

Kaya naman naglakad ako with confidence kahit pagewang gewan padin.

1 araw na ang nakakalipas ng payagan ako ni amang hanapin si Jacob. Sa tulong syempre ni ate Sarin ay nakumbinse namin syang pagbigyan ako at bigyan ng paa. Ngunit Syempre sa isang kondisyon ngunit wala padin akong ideya kung anong kundisyon ang ibinigay ni ama.

Matapos kong umahon sa dagat ay nakakuha ako ng damit sa sampayan ng isang kubo. Isinuot ko ang isang daster na bulsa sa kanang gilid. At kumuha ng isang pares ng malalaking tsinelas. May nakita rin akong bagay na may tatlong butas at sinuot ko yun sa ulo ko. Buhaghag kasi yung buhok ko nung natuyo galing dagat.

Sa paglalakad ng pagewang gewang ay nadaanan ko ang kumpol ng mga batang tao. Agad ko silang nilapitan para mag tanong kung kilala ba nila si Jacob ko.

"Oy bata?" Kalabit ko sa batang nag lalaro ng tsinelas at lata.

Agad naman itong lumingon saakin. Biglang nanlaki ang mata nito at umiyak ng pagkalakas lakas.

"UWAAAAAAAAAAAAAAAH" Sigaw ng bata.

"Luh? Problema mo? May masakit ba sayo?" Nag tataka at nag aalala kong tanong dun sa bata habang patuloy kung kinakalabit.

Mayamaya ay may biglang tumulak saakin. Dahilan para sumubsob ang mukha ko sakalsana. Tinulak ako nung magulang nung batang umiiyak.

"Arayyyy" naiiyak kong sabi. Huhuhu yung ilong ko nabali ata. Umupo ako at naglampisay sa sahig.

"Hoy Baliw Umalis ka dito"

"Dun ka Baliw! Alis dito"

"Lumayas ka dito baliw! Pinapaiyak mo mga bata"

Hindi ko sila pinansin. Kasi unang una hindi naman baliw ang pangalan ko. Kaya ipinagpatuloy ko ang pag lupasay sa kalsada sobrang sakit ng ilong ko.

Biglang may tumulo sa ilong ko ng punasan ko iyon ay kulay pula.

"D-dugo?" Naiiyak kong tanong sa sarili ko. Habang nakaupo padin sa kalsada

Maya maya pa'y may biglang tumama saaking ulo na dahilan ng pag sakit at pagkahilo ng ulo ko. Pag tingin ko ay isang malaking bato ang tumama saakin.

"Umalis ka dito baliw!" Agad ko silang nilingon.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Tumayo ako sa kalsada at pagewang gewang ulit na nag lakad. Nahihilo ako sa pag tama ng bato. Naiiyak ako kasi hindi ko naman sila inaano tapos binato nila ako.

Bago ako tuluyang umalis ay hinarap ko yung mga bata at magulang nung bata.

Tumayo ng tuwid at inilagay ang aking mga kamay sa aki g bewang sabay sabing.

Billionaire's MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon