C H A P T E R 8: Birthmark 🙂

711 174 40
                                    

Ahn Jae hyun a.k.a Jacob Miller. Para sakin kasi ang gwapo gwapo ni Jae hyun. Hahaha. 😍

This Chapter is dedicated to my sissy Maeshatri_WP and to rhoderick_love na sobrang mag support sa story ko. Thank you so much sa inyong dalawa Godbless. 😍❤

======
Serena's POV

"ATE SERENA!"

Nagising ako ng marinig kong kinakalampag ni Sister in law ang pinto ng kwarto ko sa Maids quarter.

Isang buwan na ako dito sa lupa at halos 1 linggo na din ang nakakalipas simula nung pumunta kami sa Ocean park. 1 linggo narin akong masaya dahil sa mga taong nakapalibot saakin.

Si manang luz na sobrang maalaga saakin.

Si Manong Ben na sobrang maalalahanin.

Si Tessa na tunay na kaibigan ko.

Si Rita na kahit parati akong inaaway ay nandyan para ipag tanggol ako.

Tama kayo ng nabasa. Kahit ganyab ang ugali ni Rita ay alam kong mabait sya

Napangiti ako ng maalala ang kabutihang ipinakita saakin ni Rita. Nung gabing mag tatapon ako ng basura tapos may mga lasing na nangungulit saakin.

Lumabas si Rita para Sungitan ang mga lasing at ilayo ako sakanila.

Syempre andyan din si Sister in law na tinuring kong kakampi. Sobrang bait at maalalahanin.

At syempre si baby loves ko. Na parati kong nakikitang nakatingin saakin. Kunting Kembot nalang hahah baka mag kagusto na din saakin si Baby loves ko.

"ATE! SERENAAAA!" Nabalik ako sa katotuhanan ng marinig ko ulit ang maliit na boses na sumisigaw.

Napatingin ako sa orasan mag aalas syete palang ng umaga

"ATE SERENA! WAKEY WAKEY!" Sigaw ni Sister in law habang patuloy na kinakalampag ang pinto.

Agad kong hinanap ang tsinelas ko at tinungo ang pinto.

Agad kong binuksan ang pinto at yumuko para makita si sister in law na tinalo pa ang manok manggising.

"Bakit Sis- Baby Jane?" Sabi ko habang pipikit pikit pa at pinupunasan ang laway ko sa magkabilang pisngi gamit ang laylayan ng tshirt ko.

Ang sarap ng tulog ko. HAYYY

Napatingin ako ulit kay Sister in law dahil hindi man lang nya sinagot ang tanong ko.

Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni sister in law.

"W-who are y-you? How did you get in? WAAAAAH KUYAAAA!" Nataranta ako ng nag sisisigaw si Sister in law. Sabay sila nung pusa nyang yakap nya na lumaki ang mata.

Kaya sumigaw din ako. Talino ko diba?

"WAAAAAHHHHH" sigaw ko. Pareha na kaming sumisigaw ni Sister in law.

"Meow" sabat nung pusa ni Sister in law.

Narinig kong ang malakas na pag bukas ng pinto.

Mula doon biglang tumakbo baby loves palabas ng kwarto nya at tunakbo papalapit saamin ni sister in law na nag sisigawan.

Ano bang problema? Bakit ba kami nag sisigawan?

Agad akong napahinto nang makita ko kong gano ka gwapo si baby loves ko. Gwapo shemay. Fitted panaman suot nya hihi. Aylabet!

Billionaire's MermaidWhere stories live. Discover now