C H A P T E R 6: I hate that Cat! 🐱

739 190 73
                                    

Nakakatuwa naman. Na ang daming nagsasabing maganda ang story ko. Hihi thank you sa Suporta guys. At may nag aabang ng update ko. It means a lot super thankie 💕😘.

This Chapter is dedicated to dixie_alexa and Miloraemon Thank you so much sa pag support ng story guys. 😍

==========
Serena's POV

Kanina pa dumating si baby loves kasama si sister in law na si Jane (A/N: yung batang kasama ni Jacob) pero hindi ko talaga matanggap ang tingin saakin nung pusa.

"Meow"

Nagsitaasan ang balahibo ko. Satuwing mag memeow yung pusa.

Baby loves bat ba kasi may pusa si Sister in law. Gawin nalang nating siopao hihi joke.

"Serena, pumarito ka at ibigay mo ito kay Jane" tawag saakin ni Manang Luz habang binibigay saakin ang isang slice ng chocolate cake at baso ng gatas.

Bigla akong napangiwi. Kay sister in law ko ibibigay? Eh pano yung halimaw na pusa sa tabi ni sister in law? Baka lapain ako? Masasayang lang ang ganda ko hindi panga nakikita ni Baby loves yung ganda ko kasi may nakatakip na balat. Hindi panga kami kinakasal ni baby loves tapos mamatay na ako dahil sa pusang hawak ni Sister in law.

Kinuha ko yung binibigay ni Manang Luz at dahan dahang lumapit kay sister in law na nakatalikod sakin dahil nanunuod ng little mermaid. Habang yung pusa lumingon sa gawi ko at masama akong tiningnan.

So ano bang dapat kong gawin? Ako yata si serena hindi magpapatalo. Kaya tiningnan ko rin ng masama yung pusa habang confident na papalapit kay sister in law.

"Siste- ay Jane Narito na ang Cake at gatas mo" nakangiti kong sabi.

Bigla naman lumingon si Jane at ngumiti.

"Thanks ate Serena!" Magalang na sabi nya at agad na sumubo ng cake.

"Meow!" Galit sa sigaw nung pusa.

"Meow!" Galit na ganti ko sa pusa. Huh! Kala nya hah sya lang marunong mag meow.

"MEOW!" Lalong galit na meow nung pusa. Nag sitaasan ulit yung balahibo ko.

"Hihi nice pussy. Nice pu- WAH!" hindi pa ako tapos magsalita ng biglang tumalon yung pusa. Bastos din ano?

At bigla akong hinabol.

Buset! Na pusa huhuhu T_T

"WAH!!!" Sigaw ko at dali daling tumakbo.

Habang tumatakbo nakita ko si Baby Loves na lumabas ng CR.

Nasa harap ko na sya. Kitang kita ko kung pano kumunot ang noo nya.

"FVCK!" yan nalang nasabi ni baby loves ng bigla ko syang talunin.

As in bumukaka ako patalon. At hinapit sa bewang nya gamit ang dalawa kong binti at ang kamay ko naman ay sa leeg nya.

Muntik na kaming matumba dahil sa ginawa ko pero nabalance agad ni baby loves kaya hindi kami natumba.

Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Baby loves. Aba! Syempre tyansing na rin to.

"Meow meow meow" papalayong sabi nung halimaw na pusa.

Naku naku makakatikim talaga sakin yang pusang yan.

Tiningnan ko habang papalayo yung pusa pero hindi padin ako bumababa sa pagkakalambitin ko kay Jacob.

Billionaire's MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon