CHAPTER 48 "Hidden"

810 10 6
                                    

Pagkatapos ng malungkot ng gabing yun.. gumising ako na nasa puting lugar.. nasa langit na ba ako ? o eksaherada lang ? may dextrose ako T^T nasa ospital ako.. ang heavy ng atmosphere.. naramdaman ko na to 12 

years ago..:/ 

Sina Lulu at Auntie.. andito.. umiiyak sila.. mamamatay naba ako ?

"Alex.. *sniff* waaaaa kala namin mamamatay kana.. *sniff* waaa *blag* aray ku po.." binatukan siya ni auntie.. ano daw ?

"Bakit.. po ako.. andito ?" Medyo husky yung boses ko, ang sakit ng likod kuu..

"Nabundol ka ng kotse,buti na nga lang hindi ka napuruhan, anu bang pinagagagawa mo ? saka wala kabang tiwala samin ?" cold ng pagkakasabi ni Auntie..

"ahh.. anu pong ibig niyong sabihin ? syempre po meron at-- "

"Bakit hindi mo sinabing may sakit ka ?! na may leukemia ka ?!!" tapos umiyak si auntie.. nanlaki yung mata ko.. alam na pala nila..

"Hindi po sa ganun auntie, ayoko lang po na yung problema ko maging problema niyo na ri--" di ako pinatapos ni Auntie

"Alex.. pamilya mo na kami ! pamilya ka na namin ! problema mo ay problema din namin !" tumulo na din ang luha ko,tama si auntie,mula nang dumating sila sa buhay ko,sila na ang naging pamilya ko..

"sor..ry po.. *huk* auntie.."

"kelan mo pa alam ?"

"Last.. Month po.." nakatungo ako habang kausap sila.. nahihiya ako

"ano ?!! nung isang buwan mo pa alam ? kung hindi ka pa nabundol ng kotse at naospital hindi namin malalaman ?!! alam mong napaka delika--"

"Alam ko po auntie, alam ko pong delikado yung sakit ko, na maaari akong mamatay pag di naagapan.. pero auntie sabi ng doctor malala na ang sakit ko, acute leukemia po.. mabilis kumalat yung leukemia cells, saka 

alam ko pong wala akong pera para tustusan yung sarili ko.."

"hindi Alex, magpapagamot ka at gagaling ka..may pera pa ako" punong puno ng pagasa ang bawat salita ni auntie.. hindi ko masabing wag na.. na wala nang pagasa.. pero ayokong ireject si Auntie..

"Auntie, wag na po.. may history po kami ng leukemia, yung.. mama ko po.. namatay siya 12 years ago dahil sa leukemia, pareho po kami ng sakit ni Mama, naghirap kami dahil sa sakit niya,pero nawala din siya at alam 

ko pong ganun din ang mangyayari sakin..kaya auntie wag na po.."

"Hinde Alex, may anak ko,namatay siya ng wala akong nagawa,kahit ipagamot siya,namatay siya ng hindi ko nabibigyan kahit isang gamot.. Itinuturing na kitang anak alex,kayung dalawa ni Lulu.. habang may magagawa 

ako hayaan mo akong tumulong sayo.." lumapit sakin si auntie at niyakap ako..

Hindi basta yakap.. yakap ng isang inang nangungulila.. ngayun ko lang nalaman lahat ng nakaraan ni Auntie at ngayun ko lang nalaman ang turing niya sakin.. salamat.. salamat po.. :C

Dinalaw din ako ni Kulas at love birds (pertaining to Mark ang ericka), nagsorry sakin si kulas.. sinisisi niya ang sarili niya sa nangyare sakin.. sya pala ang nagdala sakin sa ospital.. ewan ko kung anong nangyare sa 

nakabangga sakin, hindi ko narin tinanong kay kulas.. Syempre kinumbinsi ko si kulas na hindi niya kasalanan yung nangyare.. hindi nadin namin pinagusapan yung mga nangyare nung birthday niya.. 

Sa tingin ko hindi pa nila alam yung tungkol sa sakit ko, hindi muna ngayun..

After 2 days umuwi na din ako..

*FLASHBACK 1month ago*

1 month ago nagpacheck up ako sa doctor, sa Doctor ni mama.. iisa lang naman ang ospital dito sa Lugar na to.. malaking ospital ang St.Paul, pero hiwalay ang Doctor at room ng mga maykaya kesa sa pangmahirap, kung 

baga magkasama yung private sa public room at doctor sa isang hospital pero magkahiwalay..ewan basta ganun..

Nagulat siya nung nagpakilala ako sa kanya.. nagiba daw yung hischura ko.. kung ako lang nasa mood iisipin kong iniinsulto ako nito at nasampiga ko na siya.. pero tama naman siya.. malaki ang pinagkaiba ng muka ko 

nung bata ako sa ngaun.. ewan ko ba.. cute DAW ako nungbata.. ngayun MAGANDA DAW ako.. JOKE DONT INCLUDE THE LATTER PART..

Nagulat ako sa ibinalita niya.. may Leukemia daw ako.. ganto pa nga yung muka ko nung sinabi niyang may leukemia ako ---> =_=

Pero sabi niya seryoso siya, kaya ayun mangiyak ngiyak ako.. nagpacheck up ako dahil yung mga pasa ko bukod sa hindi natatanggal, lumalaki lalo,nagiiba ng kulay.. kinuhanan niya ako ng dugo MASAKET >:(

"ahm, Ms. Lopez, ikinalulungkot ko po na chemotherapy and bone marrow ang makakagamot sa isang leukemia patient pero sa kondi--"

"anu po ? mamamatay ako ? gaya ng nangyare kay mama date ? ganun po ba  ?! " tumango si doc..

"Yes.." napaiyak na ako.. *sniff* akala ko sa TV lang nangyayare ang ganito..

"Mga ganu katagal pa po yung life span ko ?"

"sad to say atleast a year or worst less than a year" nanlumo ako sa sinabi ng doctor, para akong binuhusan ng isang tangke ng malamig na tubig.. Si Hunter :( sya nanaman ang una akong naisip.. hayy.. siguro dapat 

enjoyin ko nalang ang buhay ko.. I mean yung natitira..

"wala na po bang paraan para gumaling ako ?"

"gaya nga ng sasabihin ko sana kanina, sa kundisyon mo,, wala na.. only percentage, maybe mapapabagal natin ang pagkalat pero hindi mapapatigil.. Im sorry.."

"ok po.." Tapos out of nowhere napangiti ako..

"katulad mo ang nanay mo.."

"po ?"

"pareho kayo ng pinakitang attitude ng mama ko nung malaman niyang may sakit sya.."

Lumabas ako pagkatapos namin magusap ni Doc.. Napatingin ako sa Bench.. na malapit sa isang vendo machine.. hindi ko mapigilang mapangiti.. naglalaro sa imahinasyon ko ang dalawang batang naguusap dati.. ako.. 

at siya..

*KRIIING KRIIING*

"Hello.. bla bla restaurant po an--" abala naman to, nakain ako ee..

"hhhhhh" puro buntong hininga ang naririnig ko..

"hello ? anu ba ? wrong number kaba o ano ? nanloloko ka lang ata e ! within 5 seconds pag hindi ka nagsalita ibababa ko na to.. 1..2..3..4.. 4 enahap.."

"Im sorry.." DUb.DUB nanlambot yung tuhod ko at may kung anong gumagalaw sa tyan ko..

"hoy ano-- " *TOOT TOOT* binabaan ako ng loko.. napahawak ako sa dib dib ko.. ambilis ng tibok.. hinde..imposibleng siya yun..

*FLASHBACK ENDS*

The Uglier .. The Better ..Where stories live. Discover now