CHAPTER 32 "That Girl.."

892 9 3
                                    

HUNTER's POV

Naiinis ako, bat nakahilig tong alex na to sa nikolas na yun.. kainis.. ewan.. bat ba kasi kasama pa tong nikolas na to..eto namang alex na to parang kinukumpara ako sa nikolas na gunggong na yun.. na si nikolas ganto ganan ako si yabang si ganyan.. lagi pang sinasabing nakakainis daw ako ? ano bang ginagawa ko ? haha. sabagay trip kong asarin yun ee.. ang sakit nga ng braso ko ako nagbuhat lahat ng pinamili, bumili din kasi ako ng ibang gamit kahit hindi kailangan para mas tumagal yung oras.. parang ayoko pa ngang umuwi ee.. 

Maski ako nagtataka sa sarili ko kung anong nangyayare.. parang lagi kong gustong nakikita yung pangit na yun, ang sarap niyang kausapin,asarin.. ewan.. simula nung nakikita ko siyang umiyak nung araw nayun.. parang.. parang gusto ko siyang protektahan.. parang feeling ko may attachment kami sa isa't isa.. parang magaan yung loob ko.. pero hindi ko maexplaine.. na sa tuwing sisigawan niya ko.. hindi ko mapigilang hindi mapangiti.. na sa tuwing naiinis siya sakin lalo ko siyang gustong asarin ? haha.. parang ewan.. totally insane..

NORMAL POV 

haist.. Sa bahay nila hunter kami nagbake ng cookies .. grabe ang laki talaga ng bahay nila.. siguro kung iwan ako sa gitna maliligaw talaga ako.. ilaw na glass sa taas.. anu nga bang tawag dun ? chandelier ? tapos ang lalaki ng vase, andaming paintings.. pangmayaman talaga.. nakaupo ako ngayun sa sooper cottony soft na sofa nila.. ang laki ng TV ! tapos nakadikit sa pader ? wow.. 

Tagal naman ni Hunter.. mukang walang tao.. andami namang yaya.. sa bawat hagdan may naglilinis..wow ha.. -_____- tagal ni Hunter..

May nakita akong photo album may nakasulat 'baby HUNTER' tas colorful haha.. 

(".) (.") (".) (.") Lingon sa kanan Lingon sa Kaliwa..

Yes ! makikita ko na din ang mahiwang album niya >;]

Hahawakan ko na sana..

"hey ! tara .. !"

0_0 bat ang bilis niya ? wala naman kaninang tao a ?!! 

"ah, tara.he.he.he" SAYANG T_T

*kitchen*

O___O WOW anlaki !! yung oven ? oven ba to ? o pang crimate ng TAO ? hinde kaya--

*IMAGINATIONS*

AKO: hunteeer waagggg ! please wag !! may pangarap pa ko sa buhay.. waaaaa.. ano bang nagawa kong masamaaaa ? balak ko pang magkaanak ng limangpooo waaaa !

HUNTER: *evil laugh* bwahahahaha.. !!!

R.I.P

X.X

*puff !*

"Hoy panget tunganga ka dyan ? sabi ko simulan na natin.."

Bumalik na ako sa sarili ko.. at ayun.. Ano pang inaasahan ?

"eto oh !"

"Hindi yan yung isa !!"

"eh eto yun ah !"

"hinde nga sabi e ! ang kulit mo !"

"aray !!!"

"di kasi nagiingat ! kaya nga may pot-holder ! ano ka fireproof ?!"

"Oo na ako na may kasalanan bat mo ko sinisigawan ?! hinde ako shoutproof !"

"Ewan ko sayoo ! eto sayooo ! haha !"

At ayun bago makagawa puro laway ata yung cookies.. andungis pa namin nagbatuhan kami ng batter.. loko ee.. haha.. so far kahit puro sigawan , asarahan , at puro paso kami enjoy naman. haha .. parang naglalaro nga lang kami .. ewan parang kahit inaasar niya ko.. medyo nakakainis pero nakakatuwa ? gulo no ? nahawa ata ako sa pagkabipolar ng paktong to..

KULAS's POV

Bat ganun ? Hindi parin nawawala yung pagkalike ko kay alex..parang nagupgrade na ata ee.. pero bawal to kasi bestfriend kami ee.. pero hindi ko mapigilan >.<  tapos si Hunter naman parang may gusto kay alex ? pano paglalapit ako eextra siya lagi..  Minsan naeechapwera ako.. na oout of place.. ganun.. parang mas ok pa yung dati.. kesa ngayun.. Excited pa naman akong umuwi dahil kay alex.. nagbagong anyo na nga ako (parang halimaw lang) .. :( hindi ba niya napapansin na cool na yung porma ko ? hindi niya talaga ako napapansin ? o nagaasume lang ako ng iba ?

NORMAL POV

Umagang umaga.. ako ay masaya..ewan ko ba parang puro goodvibes ang nasasagap ng aking radar sa ulo.. XDD

Naglalakad na kami ni Kulas sa Corridor.. napansin kong parang naglalabasan yung mga tao ? padami ng padami .. parang sakin sila nakatingin ? *0* kaya taas noo ako naglakad na feeling model. Haha this is the chance :)

Naririnig ko yung mga tao may mga sinasabe..

"ang ganda nya talaga !"

"oo nga lalo siyang gumanda !"

Wow.. nagbago na yung mga sinasabi ng mga tao dito about sakin.. bakit ? ni hindi nga ako ngapopolbo ee..nag level up na ba ang tingin niyo sakin ? haha. nakangiti pa sila kaya napangiti din ako.. THANK YOU LORD NAGBAGONG BUHAY NA PO SILA.ALLELUIA.

"Hi Amulet !" amulet ? sino yun ? Alex ang pangalan ko lol !

"Hello .."  may mahinhin na nagsalita mula sa likuran ko.. napalingon ako at.. WOw DIWATA *-* so hindi pala ako yung tinitignan nila.. :V PAHEYA. DAMA KO.

Wow magiging classmate pa ata namin ? dun siya pumasok sa room namin.. Kami naman yung nasa likod niya.. pagpasok namin..

"kyaaaa ! amulet your back !!"

"you're really stunning !"

"I envy you girl.."

"Oww..hey there.. dont be :) I miss you all ^^"

Lady kung Lady talaga siya kung kumilos at magsalita.. super hinhin WAW.. halatang may breeding..

Umupo muna si Kulas sa Upuan ni Hunter Kunno tutal wala pa naman si Hunter..nung nakaupo na kami sinamantala ko na yung pagkakataon dahil sa sobrang kuryosidad..

"Oi Kulas, sino sya ?" bulong ko ng mahina.. (try mong malakas)

"ah.. siya ? siya yung classmate din namin from elementary pero nung Highschool nagmigrate siya sa states.. siya yung pambato ng school dati sa Ballet Contests..saka--"

Biglang bumukas yung Pinto .. si Hunter dumating na..

The Uglier .. The Better ..Where stories live. Discover now