Chapter 24

602 35 4
                                    

KIEFER'S POV

Katatapos lang namin kumain ng dinner. Nagkayagan magswimming kaya bumalik muna kami sa mga kwarto namin para mag-palit ng pangswimming attire.

Sabay sabay na din kaming bumabang apat.

“Pre, madaming chix diyan pustahan.” sabi ni Anton na halatang excited na magswimming.

Binatukan naman siya ni Cole.

“Kaya walang nagtitinong babae sayo eh.” sabi pa nito. Tumawa naman kami ni Josh.

“Bakit ba. Single naman ako ah. Wala namang problema kung titingin ako sa ibang babae, wala namang magagalit.” depensa pa ni Anton sa sarili niya.

“Sabagay. Pare parehas naman tayong single, kaya might as well enjoy this night like it's our last.” komento ni Josh bago nagtatalon.

“Oo nga. Kief sama ka samin ha. Wala namang magagalit diba?” siniko pa ko ni Cole habang nakangisi.

Napailing nalang ako.

“Bahala na.” sagot ko at napasimangot naman silang tatlo.

“Come on Kief, you're better than this.” pang-aasar ni Josh.

“Tsaka eto na din yung chance para malaman mo kung may feelings pa ba sayo si Alyssa.” dagdag pa ni Anton kaya natigilan ako at napaisip.

Kailangan ko ba talagang gawin to para lang malaman kung mahal niya pa ko? Pero paano kung magkanda-leche leche lahat kagaya ng mga napapanood ko sa TV?

“Hahaha. Don't over think too much. Sagot ka namin.” tinapik ako sa balikat ni Josh at nag-thumbs up naman sakin si Anton at Cole.

Napabuntong hininga ako. “Sagot niyo ko ha.” pagbabanta ko sa kanila ng pabiro kaya napatawa naman sila.

Nakarinig agad ako ng splash ng tubig nung tumapak kami sa pool area.

“Hanapin muna natin sila.” sabi ko at pumayag naman ang tatlo.

Pareparehas naming hinanap ang apat na babaeng kasama namin. Madaming tao dito, maingay at yung iba nagpaparty party pa. Kaya sobrang gulo talaga. Madami ding tao sa pool pero hindi pa din crowded sa sobrang laki nito.

May mga bata din namang nagtatakbuhan pero karamihan puro kabataan at matatanda.

“Ayun sila.”

Nakuha ni Anton ang atensyon ko kaya agad kong sinundan ng tingin ang tinuturo ng daliri niya.

Napako ang tingin ko sa babaeng naka-swim suit habang nakikipagtawanan sa pool. Nagsalubong agad ang kilay ko nung makita kong may mga nakapaligid sa kanilang lalaki.

Mas binilisan ko ang lakad ko papunta sa kanila at nung makarating ako doon ay walang pagdadalawang isip akong tumalon sa pool at lumapit sa kanila.

Napatingin naman sakin ang mga lalaking nakapaligid sa kanila ganun din sila Ly. Pero hindi ko sila pinansin at hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

“K-kief..” dinig kong bulong niya habang gulat na nakatingin sakin.

“Alyssa.” bulong ko as i gritted my teeth.

“So you guys are here!” bati ni Den samin matapos lumusong sa pool ang tatlo ko pang kasama. 

“Sorry we're late.” nakaramdam ako ng kamay na umakbay sa balikat ko kaya napatingin ako sa likod ko. Si Josh pala.

“I guess you girls are really friendly. You already made friends.” Komento ni Cole habang tinitingnan ang mga nakapaligid sa kanila kanina.

“Oh well, lapitin talaga kami ng mga 'friends',” siniko pa ni Ella si Den at binigyan sya ng 'tawanan-mo-ko' look.

Baby sitting Alyssa ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon