Chapter 2

1.4K 45 0
                                    


ALYSSA'S POV

"Good Morning beshies!" Bati ng kadadating lang na si Denisse.

"Walang good sa morning!" Sabi ko ng nakasimangot.

Kung hindi ba naman dahil sa lalaking yun, edi sana napakaganda ng mood ko ngayon.


Ang kapal pa ng mukhang sumabay sakin papunta dito!


Umupo siya sa tabi ko habang nasa tapat naman namin si Amy at Ella.

"Bakit? Bumagsak ka ba sa exam?" Curious na tanong ni Den habang nilalabas yung libro niya.

Sasagot pa sana ako kaso inunahan na ko ni Ella.


"Eh kasi, yang damulag na yan may baby sitter." Sabi ni Ella.


"Wait, what? Hahahaha. Seryoso ka Besh?"

Sinamaan ko ng tingin si Den.

"Mukha ba akong nagjojoke?"

Hindi pa din siya tumigil sa katatawa kaya mas lalo akong napasimangot.

"Take your time Den, katatapos lang namin kanina." Sabi naman ni Amy na ngingiti ngiti pa habang tinutukoy yung pagtawa nila na walang bukas.

"Hahahaha. Ang corny! So sino? Hahaha."

"Si Kiefer~" sabi ni Amy at Ella sa malanding tono at sabay na tumawa.

Gaadd. Ang ingay nila. Nakakairita yung pangalan niya.

"Kiefer what?" Biglang sumeryoso si Den.

"Uh, Ravena." Walang ganang sabi ko.

"Oh my gosh! He's here?!" Napatingin kaming tatlo sa kanya.

Kilala niya?! Kung ganun, edi papalipatin ko nalang sa kanila. Kesa naman makipagsiksikan siya samin no. Hindi ko naman siya kilala.

"Obviously. Bakit? Wag mong sabihing ex mo yung hinayupak na yun?" Taas kilay na tanong ko.

Bigla siyang tumawa at talagang hinampas pa ko sa braso. *rolls eyes*

"Of course not! Hahaha. Pinsan ko yun gaga!"

Mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Pinsan? Bakit ngayon ko lang ata nalaman na may Ravena ka sa pangalan mo." Sabi ni Ella.

"You guys, pinsan ko siya sa tuhod!"

"Pfft. Hahahahahaha!" Bigla akong napatawa kahit na inis na inis na ako. Hahahaha. Mas corny yun! Pinsan sa tuhod. Hahaha.



"Uhm, actually hindi ko sure kung sa tuhod nga or sa sakong. I'm not sure."

"HAHAHAHAHAHA!"

"OMG! Hahahaha! Wala nang hangin ang tiyan ko! Hahahaha!" Sabi ko habang maluha-luha sa pagtawa.

"Besh, napunta lahat kay Ella. Hahahahaha!" Sabi ni Amy na naghihingalo na din sa katatawa.

"Hahahahaha!"

"Guys! Seryoso ako!" Sabi ni Den kaya pinilit naming huminahon.

"Okay fine. Just don't mention about the knee cousin thingy. Hahahaha." Sabi ni Amy.

Pinunasan ko ang mata ko dahil may konting luha na tutulo. Hahaha.

Baby sitting Alyssa ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon