Chapter 13

750 46 3
                                    

DENNISE'S POV

“Besh, tara mag-sleep over kina Ly.”

Tinigil ko ang pagsusulat.

Sinulyapan ko ang screen ng laptop ko at nakitang seryoso ang mukha ni Ella.

Napaisip naman ako.

“Good idea tabs. Let's surprise her.” sabi naman ni Amy.

“Ako pa! Mag-handa na kayo. Lulusob tayo sa kanila ngayong gabi.” -Ella.

“Should I bring K-dramas?”-Amy

“Oh my gosh! Weightlifting fairy Amy! Hindi tayo tutulog!”-Ella

“Hindi tutulog your face.” sabi ko saka umismid.

“Oy, anong problema mo sakin?”-Ella

“Shut up Ells. I'll bet 20,000 that you'll be asleep in the middle of the movie.” nginisian ko siya.

Hindi naman maipinta ang mukha niya habang si Amy ay tumatawa.

Ako pa talaga ang lolokohin niya? I've slept with her a hundred times, at oo, I always end up watching alone in our supposed to be "movie marathon".

Nag-ring ang cellphone ko kaya inabot ko agad yun sa lamesa.

Napakunot naman ang noo ko nung makitang pangalan ni Kief yung nagregister.

“Oh? Bakit?”

[Den..]

Napaupo ako mula sa pagkakadapa ko.

Ang lalim ng boses niya. Halatang problemado. At mukhang kagagaling niya lang sa pag-iyak.

“What? Anong nangyari? Umiyak ka ba?”

“Besh? Sino yan?”-Ella.

Nilayo ko sakin ang cellphone ko at tumingin sa camera ng laptop ko.

“I gotta go.” pagkasabi ko nun ay binaba ko na agad ang screen ng laptop.

[Den..den..h-hindi ko na alam ang gagawin ko..]

Tama ako. Umiiyak nga siya.

“Nasan ka?”

[Nasa tapat ako ng school..]

“What?! Bakit nandiyan ka?!”

[W-wala na kong ibang mapuntahan.]

Tumayo agad ako at nagsuot ng jacket.

“Stay there. Pupuntahan kita.”

Binaba ko na ang tawag at agad na tumakbo pababa.

“Mom! Dad! Labas lang po ko saglit!”sigaw ko as I grabbed the key.

Pinaandar ko agad ang makina nung nakapasok ako sa sasakyan.

Minadali ko na ang pagdadrive ko.

Hindi ko na kailangan tanungin kung ano ang problema niya.

There's only one person who can make him cry.

Pagdating ko dun ay naabutan ko siyang nakasandal sa gate habang nasa tabi nito ang mga dalawang malaking bag.

Bumaba agad ako. Umiiyak pa din siya hanggang ngayon.

“Bakit ka ba nandito? Dapat tinawagan mo nalang ako kung maglalayas ka.” sermon ko sa kanya.

Lumuhod ako sa harap niya at inangat ko ang ulo niya.

“Tell me, si Alyssa ba?”

Pagkasabi ko noon ay mas lalo siyang napahagulhol.

I hate seeing him like this. Sa lahat ng pinsan ko, siya talaga yung pinaka-close ko. He's always true to his actions.

Niyakap ko siya at hinagod ko ang likod niya.

“Ang sakit Den. A-akala ko magiging maayos ang lahat.”

“You already knew from the start that anything can happen.”

I sighed.

“You can't just expect that everything's gonna turn into your favor.”


Hinayaan ko lang na umiyak siya. Hindi ko naman siya masisisi. Masiyado lang talaga niyang mahal si Alyssa.

Kaya kahit ano, nakakaya niyang irisk.


Kaya ayokong ma-inlove eh.


Nung huminahon na siya, humiwalay na ako sa yakap at hinintay lang siya sa kung ano ang sasabihin niya.


Tumayo siya kaya tumayo na din ako. Pinagpagan niya ang suot niyang tokong at pinunasan ang mukha.


“Salamat Den.”

Ngumiti siya sakin..the weak one.


I nodded. “Samin ka muna tumigil.” sabi ko.



Bumuntong hininga naman siya bago sumunod sakin sa sasakyan.


Pinaandar ko na ang makina. Habang nabyahe kami, bigla siyang nagsalita.


“Nalaman niya na lahat.”

Nagulat ako sa sinabi niya. “Ha? Pano?”


Sinilip ko siya saglit at nakita kong nakapikit siya habang nakasandal sa upuan.


“I told her.”

Tumahimik ako. Gusto kong marinig yung rason niya.


“She tried to kill herself Den. And I can't just afford to risk her life again. Kaya..kaya sinabi ko sa kanya.” bumuntong hininga ulit siya.


“She cried a lot. Masakit din sakin yun. Pero mas masakit na..na tinanong niya ko kung..kung bakit pa ko bumalik.”


Napatingin ulit ako sa kanya at may tumulo na namang luha sa mata niya.



How can fate be this harsh to Ly and Kief?


“Kaya ka ba umalis sa bahay nila?”


Umiling siya. “She ended everything between us.”


Napapreno ako. Buti nalang at red light.


Tiningnan ko ulit siya. Nakapikit pa din si Kiefer pero patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.



“Masakit sakin na hindi niya na ko gusto sa buhay niya. Masakit na kailangan ko na namang lumayo sa kanya at umasa na maaalala ako ng puso niya. Pero wala eh. Tinapos niya na lahat. Sumuko na agad siya kahit hindi niya pa nasusubukan.”



Nanatili lang kaming tahimik.


Wala akong masabi. Wala akong pwedeng i-advice. Dahil sa totoo lang, never pa kong nainlove.


And just by seeing him right now, natatakot na kong irisk ang puso ko.


“Kiefer..” is all I can say.


“Nakapagdesisyon na ko.”



Biglang may bumusina sa likod at saka ko lang napagtanto na green na pala.

“Anong balak mo?”



“Babalik na ko sa probinsya.”


Baby sitting Alyssa ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon