Chapter 23

727 38 0
                                    

“And i never believed that the universe is trying to get me, until it started playing with you and me,”-C.A

~

Now what the hell was that?

“A-ano bang sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at maya maya'y tumawa.

“Hahaha. Joke lang.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Joke lang?!”

Nagulat naman siya sa pagtaas ng boses ko. Tumigil siya sa pagtawa at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

“Bakit?”

“Mukha ba kong natuwa sa joke mo ha?! Sa tingin mo ba natuwa tong mukhang to?!” pinaghahampas ko siya ng unan at sinasalag niya naman ang bawat atake ko.

“Aray! Sorry na!”

“Bwiset ka! Akala ko totoo na yung pinagsasasabi mo. Puro ka talaga kalokohan no?” hinampas ko pa siya ng isa na sobrang lakas na hindi niya na nagawang salagin kaya naman napasigaw siya sa sakit.

Hihingal hingal naman ako nung tinigilan ko siya. Nakatingin pa din ako sa kanya ng masama habang nakangibit naman siya.

“Sorry na nga eh.” mangiyak ngiyak na sabi niya habang hinihimas ang balikat niya.

Napatawa naman ako sa itsura niya. Mukhang batang napalo ng nanay. Hahaha.

“Pagkatapos mo kong saktan, tatawanan mo lang ako.” nakangusong sabi niya pa habang nakatingin sakin na para bang nagpapaawa.

Aba't nagawa pang magdrama.

Umakto ako na hahampasin ulit siya pero bago pa man tumama ang kamay ko sa kanya ay nakatakbo na siya palayo sakin.

Noong wala na siya ay napatawa nalang ako bago humarap sa TV at pinagpatuloy ang panonood ng Sponge bob.

~*~

“Uy, kanina pa tumatawag sila Den.”

“6:45 na Ly. Malapit nang mag-seven.”

“Alyssa, hoy.”

*BLAG BLAG BLAG*

“ALYSSA GUMISING KA NA!”

Napabalikwas ako ng upo sa narinig ko. Tumingin ako sa pinto na kanina pa kalampag ng kalampag.

“Hoy Alyssa Valdez gumising ka na sabi! Ako ang malilintikan nito kay Den eh.”

Napasimangot ako.

“Ano ba?!” sigaw ko sa nambubulabog sakin. Tumingin ako sa alarm clock na nasa side table ko. “Ang aga aga—syete!”

Napatayo na agad ako at dirediretsong pumasok sa banyo para maghilamos. 7:50 na!

Bwiset. Bakit kasi hindi gumana yung alarm?!

Earlier..

6:00 am

*krrriiiinnggg krriiinngg*

Napasimangot ako dahil sa ingay ng kung ano man na malapit sa kama ko.

Nakapikit na kinapa ko yun hanggang sa may makapa akong matigas na bagay. Kinapa kapa ko yun hanggang sa mawala ang ingay.

Baby sitting Alyssa ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon