Chapter 11

781 55 8
                                    


KIEFER'S POV

San mo gustong kumain?” tanong ko sa kanya.

Hmmm. Gusto kong kumain ng isaw.”

Napangiti ako sa narinig ko. Second anniversary namin ngayon, at sa isawan niya balak icelebrate ito.

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at mas lalong hinigit palapit sakin.

Kaya mahal na mahal ko siya.

Naiiba siya sa lahat. Wala siyang arte. Napaka-humble. Napaka-totoo sa sarili. Hindi mapagpanggap.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

God , thank you for giving this girl to me.

“Oy oy! Bakit ka nakangiti? Siguro iniisip mo na naman yung mga sexy'ng model sa magazine no?!”

Pinitik niya yung noo ko. Napatawa naman ako.

Nakasimangot na siya ngayon. Selosa siya, pero hindi naman yung sobra na kahit sa maliliit na bagay ay nagseselos na siya.

“Mas sexy pa sa kanila yung iniisip ko.” sabi ko at ngumiti ng malapad.

“Sino?! Si Pia W ba?!”

Napatawa ako. “Sus. Eh mas sexy pa nga dun ang girlfriend ko.”

Sinulyapan ko siya at nakita kong nakangiti na siya ngayon.

Kilala mo ba yun? Tsk. Kapag nakilala mo yun maiinsecure ka sa kanya. Sobrang bait, sobrang ganda, sobrabg simple, sobrang sexy, sobrang—”

Baby sitting Alyssa ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon