Chapter 12

690 44 4
                                    

ALYSSA'S POV

Iyak lang ako ng iyak. Wala na kong pakialam kung nakayakap man ako sa kanya.

Ang sakit malaman ng totoo. Pero ginusto ko naman to diba? Ako naman ang may gusto diba?

Pero masaya na ko eh. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko hindi na dapat siya bumalik?

“B-bakit ka pa bumalik?”

Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya kaya mas lalo akong napaiyak.

Alam kong masakit sa kanya to, pero mas masakit to para sakin.

Paano nila nagawa sakin to? Paano nila nagawang magsinungaling?

“A-alyssa..” nabakas ko ang lungkot sa boses niya.

Humiwalay ako sa kanya at tiningnan ko siya sa mata.

Patuloy pa din sa pag-agos ang luha ko. Pero hindi na ako nag-abalang punasan pa yun. Hinayaan ko nalang.

“Tinanong kita diba? Tinanong kita dati. Pero ang sabi mo hindi naging tayo! Ang sabi mo, ngayon mo lang ako nakilala!”

Napayuko siya sa sinabi ko.

“Nakita ko kung gaano sumakit yung ulo mo noon. Hindi pa naman ako ganung ka-selfish para ibuwis ulit ang buhay mo.”

“Pero dapat noon palang sinabi mo na sakin! Pinagmukha mo kong tanga! Pinagmukha niyo kong tanga!”

Napatakip ako sa mukha ko.

Ang sakit sakit.

“I'm sorry. I'm sorry.”

Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ko siya. Umiiyak siya ngayon at para na namang pinupunit ang puso ko.

“Kaya ka ba bumalik kasi pakiramdam mo responsibilidad mo pa rin ako? Kasi hindi tayo naghiwalay? Gusto mo na bang magka-girlfriend? Pero hindi mo magawa dahil hanggang ngayon..t-tayo pa?”

“H-hindi. Kahit kailan hindi ako nagkagusto sa ibang babae. Kasi hanggang ngayon..hanggang ngayon ikaw pa din ang laman nito.”

Umiiyak na sabi niya habang tinuturo ang dibdib niya kung saan nakalagay ang puso.

Pumikit ako ng mariin. “Hindi na ako ang babaeng minahal mo Kiefer. Ibang iba na ako sa babaeng nakilala mo dati.”

Tiningnan ko siya sa mata.

“Hindi na tayo parehas ng nararamdaman. Hindi na kita mahal.”

Mas lalo siya umiyak kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

“A-alyssa wag. Please..wag.”

“I'm ending everything between us. Pinapalaya na kita.”

~~~

“Alyssa!”

Napalingon ako sa pintuan. Yung mga magulang ko na may dala dala pang mga maleta.

Tumalikod ako at dirediretsong umakyat sa hagdan.

“Alyssa anak, mag-usap tayo.”

Hindi ko pinakinggan si Nanay at pumasok na ako agad sa kwarto ko.

“Nak, mag-usap naman tayo.”

Bumukas ang pinto. Tsk. Nakalimutan ko palang i-lock.

“Hanggang kelan niyo to balak itago sakin?”

I asked them. I just want to get this over with. I already have enough.

“H-hindi naman namin ginusto. Inisip lang namin ng tatay mo ang makakabuti sayo.” paliwanag ni Nanay.

Baby sitting Alyssa ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon