22

32 5 0
                                    

Finally we are here in Osaka. Napakalamig at napakaganda dito. Madaming Christmas decors everywhere at nagsnosnow na.

Sinundo kami ng isa pang van ng BTS at hinatid kami sa hotel namin.

Pagdating namin sa hotel, ang manager ng BTS ang nagmanage ng hotel rooms namin. Pagkakaguluhan yung BTS kaya nasa van muna kami. Nakatulog si Jimin sa byahe at si Hyesok naglalaro sa phone ko.

"Mommy...nagugutom na po ako" sabi ni Hyesok.

"Just wait a little bit longer, magdidinner na rin naman tayo"

After 30 mins, papasok na kami ng hotel. Madaming mga ARMYs na nakaabang sa labas. Pagbukas ni Jimin ng pinto, nagsigawan na.

"Oppa!"

"Saranghaeyo Bangtan!"

"BTS! BTS!"

Nahuli kaming pumasok ng hotel. Pagpasok namin, nagbibigayan na sila ng mga keys sa room.

Yung key namin ni Taehyung, hawak na nya.

"Ano room natin?" tanong ko kay Taehyung.

"Room 1804"

Tinignan ko kung ano room ng iba.

"Room 1806,1807,1808 sila... Bakit may isang bakante na room?"

"Para sa mga managers/ hairstylists"

"Ah...."

Umakyat na kami sa rooms at nagpaalam na muna ako kay Hyesok.

Kasama nya sa room si Jimin na mag-aalaga sa kanya.

"Waaaaaah nakakapagod yung byahe" sabi ko habang papunta sa kama.

I realized na.... isang kama lang?!

"What?! isang kama lang?!"

"Oo, hindi ba nasabi sa iyo yun?"
"Ahh tulog ka kasi sa byahe"

"Aish.."

Wala na akong magagawa, nandito na eh.

Umikot ako sa buong hotel room. Suite pala itong kinuha nila sa lahat. Pagpunta ko sa bathroom.

"Wow."

Ang laki ng bathroom. May shower, bathtub, at may sarili pang kwarto para sa toilet?! Mayroong ding salamin at maliit na walk-in closet.

"Ano ba ito? pang honeymoon?" tanong ko sa sarili ko.

"Siguro" sabi ni Taehyung. Napatalon ako nang magsalita sya.

"Sino nga pala yung bata?" tanong nya.

"Si Hyesok yun"

"Yung pamangkin mo?"

"Yep." awkward kasi pinaguusapan namin yung anak namin na hindi pa nya alam na anak nya.

"Eun Hwa"

"Yes?" sabi ko habang kunwari may hinahanap.

"May sasabihin ako sa iyo"

"A-ano iyon?"

"Kasi–"

*DING DONG*

Nilagpasan ko si Taehyung na nakaharang sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.

Tinignan ko sa may maliit na silipan, si Jimin at Hyesok.

"Babe!"

"Mommy!!"

for whom is your heart? ; kthDove le storie prendono vita. Scoprilo ora