Ako rin ay napa-o ang bibig dahil sa sinabi niya. “Really? Natuloy na pala 'yong plano ni Tito na mag-extend ng business niyo rito sa Pilipinas.” Sabi ko.

Ang alam ko kasi ay matagal na nilang plano iyon. Hindi lang matuloy dahil nahihirapan silang makakuha ng mga investors dito na mapagkakatiwalaan. Mahirap na dahil hindi malalagi rito ang tatay ni Zac. So, sa mga magiging kasosyo nito ipagkakatiwala ang kompanya kung sakali.

“Yeah. Finally. I’ll talk with the investors tomorrow. Then, hopefully next month, susunod na si Daddy para sa pagbubukas ng magiging kompanya namin dito.” Masayang balita niya sa akin.

“Congratulations, then.” Bati ko. Lumipat ako sa inuupuan niya at tinapik ang braso niya. “Looks like you’re excited?” sabi ko habang sinusuri ang mukha niya.

Hindi naman kasi tipo ni Zac ang maging interesado sa mga negosyo ng pamilya niya. He has his own businesses and his more interested in those than taking over his father’s company. Iba ata ngayon.

Ngumuso siya saka ngumiti. “I’m excited. Dahil dito na ako. But…” tumingin siya sa akin. Ako naman ay alam na agad ang pinupunto niya kaya nanahimik nalang ako.

Nang tingnan ko siyang muli ay hindi na siya sa akin nakatingin at saka kape nang hawak niya. Parang sa unang pagkakataon ay nawalan kami ng mapag-uusapan ni Zac. Parati, siya ang madaldal at makulit. Pero ngayon ay panay ang pananahimik niya.

Sinubukan kong baguhin ang topic naming dalawa. “Eh paano pala 'yong business mo?” tanong ko sa kanya. Pinasaya ko ang tono ng boses ko. Kasalungat sa guilt na nararamdaman ko.

“Ah 'yong mga bar ko? I left it to my co-owner. Maganda naman ang takbo e kaya wala o nandun man ako, it will be okay.” Panigurado niya.

“That’s good.” Tumango ako. Nawawalan nanaman ako ng sasabihin.

Binasa ko nalang si Zac. Nararamdaman din kaya niya ang awkwardness sa pagitan naming dalawa? Panay lang ang dila niya at kagat ng labi. Hindi rin naman niya ako tinitingnan manlang. Siguro ay nailang na rin siya dahil sa mga nalaman.

Tumikhim si Zac at nakita ko ang pag-igting ng bagang niya matapos at hinimas ang batok.

“I really can’t help this, Ella. I need to ask you this.” Tumingin siya sa akin.

Nakaupo na ako sa tabi niya kaya naman kitang kita ko ang pagngiwi niya.

“How?” nang tanungin niya iyon ay alam ko na agad ang tinutukoy niya. “You know what I’m referring to, right?” tanong niya ulit.

Tumango ako at lumunok.

“It just happened, Zac.” Sagot ko. “'Yong mga inakala ko noon, mali pala. He explained everything to me. And I am the one who was wrong.”

“I don’t know anything about your past, Ella. All I know is that you were hurt because of him.” Tinitigan niya ako. “I saw how hurt you are. I was at your side. Sigurado ka bang maayos na kayo ngayon?” Nahimigan ko ang concern sa boses niya.

Hindi ko sinabi kay Zac ang lahat. Kaya nga nahirapan din ako. It was very hard for me to just keep all these in myself. At dahil mali naman ang mga bagay na inakala ko, nagdesisyon akong 'wag na talagang sabihin kay Zac kahit ngayon pa. Nasaktan ako dahil lang sa sariling kagagawan ko. And telling him this will not changed anything. Ako ang nagkamali at hindi si Vincent. Ito lang ang dapat niyang malaman.

“It was an awful misunderstanding Zac. And it was my entire fault.” Ngumisi ako sa sarili ko. “I left him for nothing. Nasayang ko ang limang taon dahil lang sa walang kwentang bagay na inakala ko lang pala.” Malungkot na sabi ko pero ngumiti pa rin ako sa kanya. “But we’re okay now. Maayos na kaming dalawa and we already explained everything with each other.” Tiningnan ko siya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now