Time Traveller

60 4 3
                                    

Ako si Marvelou.


Marvs ang tawag saakin kalimitan.


Isa akong taong gumagawa ng paraan para ang imposible ay maging posible...


... di man ako yung taong palabarkada o kayang sumabay sa trip ng iba pero kaya kong mabuhay ng mag isa at mangarap ng mataas.


May best friend akong si Max.


Close na close kami. Nagsasabihan kami ng sikreto, mga gusto, hilig, mga laro at kung ano ano pa.


Lumipas ang ilang taon na magkaibigan parin kami.


Dahil dito, nagsisimula na silang asarin kaming dalawa na magjowa eh pero di ko lang pinapansin.


Mga malisyoso lang talaga ang mga tao sa kapaligiran namin.


Marami na rin kaming nalagpasan na mga problema,


katulad ng pambubully sa kanya ng mga dati nyang mga kaibigan, love life ko, love life nya at iba pa...


... hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ko...


... ang magustuhan nya ako.


Napapansin ko na palagi na syang kumikilos ng kakaiba di katulad ng dati noong may mahal pa syang iba.


Di kaya trip nya lang talaga akong pagtripan o talagang ako lang ang nag iisip nun?


Unti-unti narin akong nagseselos ng palihim kapag may kasama syang iba, babae man o mga katropa nya dati.


Iniisip ko na lang na isang best friend lang naman ako. Isa lang. Di ko naman kayang sabayan ang ibang taong mga kasama nya na di ko naman makasama.


Kaya kapag may problema sya, ako na lang ang nilalapitan nya.


Ngunit di rin nagtagal ay umamin sya sa akin na gusto na nya ako...


Mahal na nya raw ako.


Di ako makapaniwala sa sinasabi nya...


... ni di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.


Napag isip isip rin ako...


isusugal ko ba ang aming pagkaibigan para sa aming nararamdaman??


Di nagtagal ay umamin na rin ako...


... ngunit sinabi ko na walang kami na magaganap at maghintay nalang muna sya para sa akin.


Nagkaroon ng konting paninibago ako ngunit sa kanya ay normal lang ito.


Pero unti-unti, nasasabayan ko na ang trip naming dalawa.


"Ahh marunong ka pala ng psychology ah, sige nga hulaan mo kung totoo yung mga sinasabi ko, " paghamon ni Max.


"Hahaha!! Sige ba!! " sabi ko.


"Pumasyal kami ng pamilya ko sa isang mall at ako ang nanglibre. "


"mmm, " hinuhulaan ko ang ibinanggit nya, "totoo yan."


"hahahaha nice!! Tama!! Eto naman... mm... " biglang naging seryoso ang pananalita nya at tiningnan nya ako nang maigi sa aking mga mata...


"... may nagkakagusto sa akin na babae na kapitbahay ko lang. "


"mmm... saan banda?" tanong ko pa para malaman ko kung totoo ba o hindi yung mga sinasabi nya.


Cute Short Love Stories (CSLS)(10 stories completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon