Gift ko, para sayo lang!

282 9 8
                                    

May mag-best friends.

Sina Joy at Ken.

Si Joy ay isang masayahin na babae at palabiro.

Si Ken naman ay makulit pero nagiging siryoso sa ibang sitwasyon.

Anong sitwasyon?




Love




Dahil matagal na silang mag-best friends, nagsasabihan sila ng sikreto nila.




Sabi ni Ken kay Joy na may crush sya na ang panggalan ay Pauleen.




Si Pauleen ay isang mabait at mahinhin na babae kaya nagustohan ni Ken.




Shempre, as best friend, aasarin ni Joy si Ken kay Pauleen lalo na pag malapit sila sa isa't isa.



Pero, parang.....mali.

Anong mali?


Bakit mas close ni Ken si Joy?

Bakit parang si Joy ang hapiness nya kaysa kay Pauleen?

Dahil dito, nagregalo si Ken kay Joy.

"Ano to?" Tanong ni Joy.

"Para sayo...best friends tayo diba?" Sabi naman ni Ken.

Pero, dahil nga isang palabiro si Joy, hindi nya siniryoso ang regalo na natanggap nya.

Instead, inisip nalang nya na ibigay ito kay Pauleen at sabihin na galing kay Ken iyon.

At ibinigay na nga nya isang araw.

"Kanino galing ito?" Tanong ni Pauleen kay Joy.

"Alam mo ba, galing to kay Ken...gusto ka nya!" Masayang pagkasabi ni Joy.

Dahil dito, natuwa si Pauleen at naging masaya rin si Joy dahil dito.

At isang araw naman, nagbigay ulit ng regalo si Ken kay Joy.

Isang keychain na ang nakasulat ay 'KEN'.

"Thank you!" Sabi ni Joy kay Ken.

Pero, ibinigay nya ulit ito kay Pauleen.

Natuwa ulit si Pauleen at nagkagusto na nga sya kay Ken.

Kinilig dito si Joy sa ginawa nya.

Pero, isang araw, nagpasyang magtanong si Pauleen kay Ken harap-harapan kung bakit sya inaabutan ng regalo.

"Ah?!" Tanong ni Ken.

"Eto oh!", at ipinakita ni Pauleen yung mga regalong natanggap nya kay Ken.

"Bakit na sayo iyan!"

Nagalit si Ken kay Pauleen at inakala na kinuha nya ito kay Joy.

Umiyak si Pauleen.

At pumunta naman si Ken kay Joy para tanongin kung bakit na kay Pauleen yung mga regalong ibinigay nya para sa kanya.

" 'di ba crush mo si Pauleen? Kaya sa kanya nalang." Nakangiting sabi ni Joy.

"Manhid ka ba? Di mo ba alam kaya kita nireregaluhan ay dahil ... gusto kita! Hindi si Pauleen!"

Nagulat si Joy dahil dito.



Umiyak si Ken sa harapan ni Joy.

"Para sayo lahat ng iyon...pati na itong puso ko, pero anong ginawa mo? Ibinigay mo lang!" Galit na napapaluhang pagsalita ni Ken kay Joy.


Nawalan ng kibo si Joy.

At narealize nya ang mga ginawa nya.



"....Sorry....Ken.", umiyak si Joy.

Biglang dumating si Pauleen at sinampal si Joy.

"Sinungaling ka!" Galit na pagbigkas ni Pauleen.

"Pinaasa mo ako na may gusto si Ken sa akin, pero lahat ng iyon, kasinungalingan lang!", patuloy ni Pauleen.

Umiyak lang si Joy.

"Sorry, Joy....pero niloko mo lang ako! Di na kita pagkakatiwalaan!", at umalis na si Pauleen.

Pero di man lang ipinagtanggol ni Ken si Joy dahil dito.

At sinabing....

"Ito ang huli kong regalo sayo!"

Isang bracelet na niregalo ni Joy kay Ken nung bata pa sila.

"Sorry Joy....tapos na ang pagkakagusto ko sayo, ....pati narin ang pagkakaibigan natin.", at lumayo na si Ken.


Iniisip ni Joy....



....anong ginawa ko?




Bakit sila nagalit sa akin?




Sinusuportahan ko lang naman si Ken sa pag-admire nya kay Pauleen...



...pero ito ang ibibigay sa akin?


As best friends, ginawa kong surpresahin si Ken na yung mga regalong iyon ay para kay Pauleen nalang, para sa iniibig nya.



Pero bakit ganito?



Anong ginawa ko?




Manhid ba ako?




Di ko ba napansin ang lahat ng ginagawa ni Ken para sa akin?



Mahal pala nya ako!




Bakit di ko nakita!



Bakit?!


Ngayong wala na akong malalapitan...



...wala ng kaibigan...

Lalo na....


...wala ng Best Friend.















****author****

Hays....sana nagustohan nyo yung una kong story..hahaha

:'-(




Cute Short Love Stories (CSLS)(10 stories completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon