Fallen for a Gamer

86 2 0
                                    

*****AUTHOR'S NOTE*****

Yassss! nakapag-update na rin ng story! 😜😜

Para sa mga gamer diyan, yung mahilig maglaro ng video games or dota... (kaway-kaway)... itong love story ang para sa inyo!!

***************





Jessie's POV




Ang saya maglaro!!! Dota, LOL, Assassin 's creed, Amnesia, street fighters, Tekken 7...at iba pa!!

Well, weird nga lang daw ako dahil dito kasi raw... girl ako. Eh ano naman? Mga hindi lang marunong maglaro eh.

Kung pwedeng hamunin ko nalang silang maglaro ng flappy bird eh, hihiyawan lang naman iyang mga girls pag natalo sila. heheheh

Tapos ito namang mga lalaki ...Nako Shemay!! Ayaw akong pasalihin lalo na kapag mag-dodota sila. Sasabihin lang nila sa akin na babae raw ako at hindi ako marunong maglaro.

Nakakainis hindi ba?

Kaya sa school, hindi ako ganoon kaingay. Tahimik lang ang sa sulok tapos nagde-daydream tungkol sa mga paborito kong gameplays.

Umm... may mga kaibigan rin naman ako eh kahit weirdo ang tingin nila sa akin.... kasi weirdo rin sila... hahahaha

Sila ay sina Thalia at si Blake. Si Thalia ay ang kaibigan kong napaka-girly naman sa klase, pero totomboy-tomboy kapag nasa bahay na. Si Blake naman ang tangi kong kaibigan na lalaki na kalaro ko sa play station ko kapag dismissal time na galing sa school at sa weekends. (YEEESS, ganoon ako kahuwaran na estudyante guys!!) Sa totoo nga lang, itinuturing ko na silang mga kapatid. Basta-basta nalang silang papasok sa kwarto ko ng walang pahintulot.

Hays, si mama talaga naman.

Dahil silang dalawa lang naman ang nakakaintindi sa personality ko, sila ang barkada ko.






Isang araw, weekend, pumunta ako sa bahay ni Blake para makapag-laro ng LOL. Mga lalaki ang best pick ko pero may isang babae, si Ahri.

Pero pinayuhan ako ni Blake na wag ko muna isama si Ahri sa game.

" Ahh... sige preh"

Tapos naglabasan na ang mga online players global. Tapos naghanap kami ng team na malalakas para makapag-laro. Kasama na sa team si Blake. Tapos nasimula na ang battle!!!

Well, luckily... nanalo ang team namin.. YAS!!!

nagbrofist kami, tapos sa public chat room, yung mga nakalaban naming team, nagtanong kung sino daw kami. Well, sinabi namin ang pangalan namin.

blackfighter527: Jessie? Are you a girl or a boy?

Nung magtatype na ako kung ano ang gender ko, pinigilan ako ni Blake at sinabing,

" ' wag mong sabihin na babae ka, J. "

"Hala ka, bakit naman? ," tanong ko sa kanya. "

"Baka asarin ka niyan tapos pagtripan ka. "

"Tsss... bahala ka na nga! ", sabi ko.

(ME) rockyverndell828: I'm a boy dude lol

blackfighter527: Oh cool!

demonslayer09: We would like to invite you to come in our place to play! We will beat you this time hahahaha

Lagot!! Sinabi ko sa kanila na lalaki ako pero babae ako. Ito kasing si Blake eh, Epal!!

" Uyyy!! paano 'yan! kailangan nating pumunta doon pero sinabi mo na sabihin ko na lalaki ako!! BALUGA! ", sabay batok sa kanya.

Cute Short Love Stories (CSLS)(10 stories completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon