Chapter 32: THE RETURN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Propesiya? Anong propesiya? "

"Ito ang dahilan bakit ako natagalan sa aking pagbabalik. Inihanda ako sa isang propesiya na kailangan kong gawin sa hinaharap para mailigtas ang Sandaigdig sa paghahari ng mga kampon ng kadiliman. At ang pagkadukot kay Amang Bathala ang nagpapatunay na nagaganap na ang pagkilos ng mga kumakalaban kay Bathala para palitan siya sa pamumuno. Ang paglusob ng mga anak ng buwan ang isa sa mga senyales din na nagaganap na ang kanilang mga plano." ang paliwanag ni Odessa kay Randy na ngayon ay nasa katauhan ni Banaual, ang bunsong anak ni Bathala.

"Nanganganib ang buhay ng aking ama, Odessa." ang nababahalang sabi ni Randy kay Odessa.

"Ha? Paanong mangyayari ang kamatayan sa isang immortal lalo na ang pinakapinuno ng mga diyos?" ang di makapaniwalang tanong ni Odessa.

"Hindi ko rin alam, pero nararamdaman ko at sinasabi ng aking isipan. Kakaunti na lamang ang natitirang panahon para mailigtas ang aking ama. Kailangan na nating gumawa ng aksiyon Odessa bago pa mahuli ang lahat."

Hindi pa man nakuhang sumagot ni Odessa ng marinig nila ang dalawang nilalang na papunta sa kinaroroonan nina Odessa at Randy. Minabuti nilang pakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"...kailangang gumawa na tayo ng nararapat na hakbang para pulungin ang lahat ng mga hari at pinuno sa ikatlong mundo para umanib sa atin Anilaokan. Bumaligtad na si Tala sa atin, kaya't inaasahan na natin na gagawin niya ang lahat para hanapin ang babae sa propesiya, si Odessa." ang malakas na boses ni diyosang Bulan.

Halos pitong talampakan ang taas ni diyosang Bulan at tila papel sa puti ang balat nito. Alon-alon ang napakaputi nitong buhok na sumasabay sa mahinang ihip ng hangin. Tila sinasayaw din ng hangin ang kulay pilak na at bughaw na damit nito na bumabagay sa kulay bughaw na kulay ng mata. Napakaganda ng mukha ni diyosang bulan maliban sa sariwang peklat sa mukha nito na may habang tatlong pulgada.

Gustong sumabog naman sa galit ni Odessa pagkakita kay Anilaokan na tumangay sa kamyang ate Laurea. Pero alam niyang wala siyang magagasa sa kundisyon nila ni Randy dahil ang diwa lang nila ang naroroon sa lugar na iyon.

"...ano po ang gusto ninyong mangyari, mahal na diyosang Bulan?" ang nakayukong tanong ni Anilaokan sa diyosa ng buwan.

"Kailangan mo ng kumilos para puntahan ang lahat ng kaharian para alamin kung sino ang papanig sa atin. Lahat ng sumuway para lumuhod at tumanggap kay Behemot ay aalisin ang kanilang pagiging imortal para maranasan nila ang hirap at sakit ng kamatayan. Lahat ng lumuhod at tumanggap kay Behemot bilang bagong panginoong diyos ng ikatlong daigdig ay magtalaga ng kinatawang hukbo ng maga engkanto para mabantayan ang pagpasok ni Odessa, ang babae sa Propesiya."

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon