Rules

1.3K 33 2
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising upang ayusin ang iba pang plano. Una ay dito kami ni Richard sa Las Vegas ikakasal dahil kung mag didivorce kami ay mas madali kaysa sa Pilipinas. Pangalawa ay pagkatapos ng kasal ay pupunta kami sa Paris dahil syempre expected ng parents namin na mag hohoneymoon kami, doon nalang kami para hindi kasama ang parents namin at syempre para hindi kami mabuking na wala namang mangyayaring honeymoon. Pangatlo bibili kami ng sarili naming bahay pero malayo sa bahay ng parents namin para maiwasan namin ang pag punta ng mga ito. Habang nagsusulat ako ay bumaba na si Richard na kakagising lang.

"Ano ginagawa mo? ang aga pa ah"

"edi ang dagdag sa plano natin"

"patingin  nga. Aba ang galing naman ng magiging misis ko planado na edi hindi ko na pala kailangan mamroblema."

"yan palang ang plano wala pang rules gusto mo ako na din gumawa ng rules?"

 "ayoko nga syempre unfair because everything will be favorable to you."

 "ok then the both of us will decide what will be our rules. let's go to my room" Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa para pumunta na sa kwarto ko.

"wohh wait honey wala pang kasal na nagaganap honeymoon agad? pero that's fine with me"

"gunggong anong honeymoon pag uusapan lang natin yung rules kasi kung dito ay maririnig pa ng kaibigan ko at ng kapatid mo mamaya makisawsaw pa yung mga yun. Tsaka honey as if naman na may mangyayaring honeymoon after the wedding, for your information we will go to paris but we will have our own separate rooms tara na ano pa hinihintay mo? 3:2 na ah"

Pumunta na kami sa kwarto ko at umupo kami sa sofa hawak hawak ko ang papel at ballpen para doon isulat ang mapagkakasunduan namin.

"Nga pala kukuha tayo ng maid ah para hindi na tayo mag away sa chores basta wala na sa listahan natin ang tungkol sa chores ah. Ako muna magbibigay ng rules ah tapos pag ayaw mo edi mag isip ka ng iba. Una bawal mo ko yakapin, kiss o kung ano-ano pa pwede mo lang yun gawin pag nasa harap ang parents natin. Pangalawa bawal mo kong pagbawalan sa gusto ko. Pangatlo hindi tayo share sa isang room doon ako sa masters bedroom pang apat sasabihin mo sakin lahat ng ginagawa mo pag hindi tayo magkasama at ang panglima ay akin ka lang hanggat kasal tayo wala kang ibang babaeng titignan kundi ako. So what do you think?"

"Grabe ka ah. Pero teka lang yung una mong rule, ano ka ba mag asawa tayo noh at bilang lalaki di ko maiiwasan yan lalo na asawa kita. Yung pangalawa unfair ka dun ano yun ikaw pwede lahat tapos ako hindi. Pangatlo pano kung bigla pumunta yung parents natin edi nabuking tayo kasi mag kahiwalay ang gamit natin pati kwarto. Pang apat para naman kitang bodyguard magiging ano ba kita asawa o bodyguard? pero kung itutuloy mo yung pang apat aba dapat pati ikaw sasabihin mo sakin kung nasan ka parati. And lastly yung panglima oo sige hindi ako titingin sa iba."

"Grrr!! Nakakainis ka lahat na lang ng rules ko ayaw mo. Sige nga ikaw mag rules."

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?"

"Oo na baka sabihan mo nanaman ako ng unfair eh."

"Sige wag ka mag alala tatlo lang naman ang rules natin. Una sa isang room tayo matutulog kasama na dun yung may hug. Pangalawa alam ko at alam mo kung saan ako o ikaw pupunta at palagi tayong magtatawagan kung hindi tayo magkasama at ang huli bawal ka o ako tumingin sa iba o mag pahawak sa iba habang kasal pa tayo. Sige ibibigay ko gusto mo ibibigay mo din ang gusto ko."

"Aba give and take pa ang rules mo ah pero yung iba ayaw ko."

"Diba sabi mo ako gagawa ng rules kaya wala ng bawian period no erase deal na ba?"

"Ano pa ba magagawa ko edi deal. eh pano pala kung may nasuway tayo sa rules?"

"edi may parusa"

"ano naman?"

"ikaw na mag isip"

"Alam ko na. Gagawin ang ipaguutos sa loob ng isang buong araw."

"Sige i'm fine with it."

"edi good."

Makalipas ang mahigit isang buwan naming pag stay sa Las Vegas ay ngayong hapon ang flight namin at humihirit pa ang mga kasama namin na mag libot muna.

"Hey guys labas naman tayo hindi pa kami nakakapaglibot nitong si john eh."

"oo nga sayang naman ang pag punta namin."

"sige ba tutal mamayang hapon pa naman ang flight eh."

Umabot ng isang oras ang paglilibot namin at ang huling pupuntahan namin ay ang stratosphere Las Vegas.

"Safe ba yan?" teka takot ba si Richard?

"Oo naman"

"wag na kaya tayo sumakay"

"hu? ang KJ mo naman o di kaya takot ka lang"

"hindi ako takot noh para ipakita ko sayo tara na sumakay na tayo." Hinila ako ni Richard at sumakay na nga kami sa napakataas na ride.

"I video natin"

"wag na"

"bakit Richard natatakot ka ba na makita na mahina ang loob mo?"

"hindi nga eh"

"edi ivivideo ko"

Wala na nagawa si richard dahil ako naman ang halos nasusunod kaya nagvideo ako.  At nagsimula na ang ride.

"Wow that's amazing maiksi lang pala. Now are we done?"

"Nope two more to go honey."

"What!!"

Matapos ang pagsakay namin ay bumaba na kami para pumunta sa restaurant at pagkatapos noon ay diretso na kami sa airport.

My Unexpected Hero *CHARDAWN* (Completed) (Book 1)Where stories live. Discover now