Talk About Love part 2

1.3K 29 1
                                    

IKAW... iyan ang mga salitang tumatakbo sa isip ko ngayon, nabigla ako  sa sinabi ni Dawn, hindi ko akalain na sasabihin niyang ako ang ideal man nya? Nung marinig ko iyon ay para bang may nagsasalitang anghel sa tenga ko at na block out ang pag iisip ko na tanging ang sinabi lang ni Dawn ang umiikot sa utak ko. Natauhan lang ako ng pitikin ni Dawn ang ilong ko.

"Ouch!!"

"Ikaw kasi nakahawak ka pa sa waist ko eh tapos na yung music tsaka bakit ka natameme?"

"Sorry. Wait lang ah tama ba yung narinig ko na ako? yung sinabi mong "IKAW"

"Yung sinabi ko na "IKAW?" oo tama naman yung narinig mo"

"Grabe ah hindi ko akalain na ako."

"Ano?"

"Ako kamo, talagang ang gwapo ko nga naman"

"BAliw ka ba? O nabinge ka dahil sa lakas ng sound."

"Bakit diba sibi mo na ako"

"Oo, Ikaw."

"Oh yun naman pala eh tapos inulit mo pa, nahihiya tuloy ako."

"Ang ibig ko sabihin "IKAW" ano gusto mo sa babae at hanggang ngayon wala ka pang asawa."

"Huh?"

"Bakit ano akala mo? Oh my God dont tell me.. HAHAHAHA"

"Wag mo na ituloy ang sasabihin mo."

3 o'clock ng ayain ko na si Dawn bumalik sa villa namin dahil may tama narin ako at lalo na siya. Halos buhatin ko na nga ito papuntang villa dahil sa sobrang kalasingan. Pagdating sa villa ay hinatid ko ito hanggang sa pinto ng kwarto niya at iniwan na ito pero bago ako makapasok sa kwarto ko ay tinawag ako nito.

"Oh wait, honey I have to tell you something about what happened earlier in the bar."

"Honey?"

"Yes honey. About what I'm saying, you know you have a very wild imagination. And to tell you kung sakaling magkakagusto ako sayo its either in your dreams or your imagination. That's all, sweet dreams Honey" Pumasok din agad ito sa kwarto niya na tumatawa tawa pa grabe ang pagka pahiya ko ngayong araw. May pa honey honey pa siya ang tanga ko din naman kasi pero babawian ko siya.

My Unexpected Hero *CHARDAWN* (Completed) (Book 1)Where stories live. Discover now