The Big Plan

1.4K 33 0
                                    

After namin kumain at mag shopping ay umuwi na kami ni Dawn para matulog pero kahit sobrang dami kong ginawa sa araw na ito ay tila hindi ako dinadapuan ng antok kaya nagpasya ako na kumuha ng wine at dumiretso sa balcony pero pagdating ko sa balcony ay nandoon din pala si Dawn at may hawak din na wine, tinabihan ko ito mukhang hindi din ito makatulog.

"Oh hindi ka parin makatulog?" Ito ang bumasag sa katahimikan at nag initiate na mag usap kami.

"Oo eh"

"Wait may idea ako tara laro tayo ng cards"

"Anong klaseng laro?"

"Unggoy ungguyan, lucky 9, siksikan, pares-pares, you choose"

"Lucky 9 nalang"

"Pero ang matalo ay may parusa ha."

"Sige ba, baka ikaw lang yung matalo eh"

"Ang kapal mo. Ang parusa sa matatalo ay lalagayn ng make-up sa mukha."

"Unfair naman sakin eh lalaki ako."

"Diba sabi mo baka matalo lang ako tapos ngayon makareact ka."

"Ok fine"

"Deal?"

"Deal"

Ilang minuto na kaming naglalaro minsan ay natatalo si Dawn minsan naman ay ako. Pero habang naglalaro ay naalala ko nanaman ang sinabi ng kapatid kong si John at bigla akong natawa sino ba naman ang hindi matatawa dahil walang katuturan ang payo nito sa akin.

"Oh bakit ka tumatawa?"

"Naalala ko lang kasi ang sinabi ng kapatid ko."

"Bakit ano ba sabi niya? share mo naman."

"Sige, pero wag ka magagalit ah."

"Bakit naman ako magagalit? sige na kwento na"

"Sige na nga naaalala mo pa ba nung hindi tayo umuwi?"

"Oo kaya nga ako andito eh"

"Kasi nung umuwi ako samin ay tinanong ako ng dad ko pero hindi ko sinabi ang totoo at buti nalang ay hindi niya ako nabisto dahil umalis siya bigla pero itong kapatid ko ay nalaman nya ang totoo, tinanong nya ako tapos nasabi ko lahat pati yung mga sinabi mo tungkol sayo. Tapos alam mo ba kung anong pinayo niya sabi ba naman bakit daw hindi nalang natin gamitin ang isat isa dahil pareho tayong may kailangan at pareho naman tayo may makukuha na magandang outcome"

Tumawa si Dawn ng malakas kaya tumawa rin ako dahil tama ako walang kwenta ang payo sa akin ng kapatid ko. Matapos tumawa ni Dawn ay tinitigan niya ako at nagseryoso siya, ang weird talaga nitong babaeng ito.

"Alam mo ang talino ng kapatid mo bakit hindi natin i-try?"

"Oo matalino tala- t-teka ano sabi mo?"

"That's a good idea pagbalik natin we will tell them that we want to get married."

"Ano?! nahihibang kana ba?"

"Oo hibang na hibang na ako dahil gusto ko na talaga umalis sa kanila."

"Sige nga kung papayag ako pano naman tayo makakapagpaliwanag sa kanila sa tingin mo maniniwala sila."

"Dont worry kasi naalala mo ba nung pinagtanggol mo ko at sinabing fiance? Doon natin ipopoint out."

"Pano naman natin ipopoint out dun?"

"Dahil sinabi ko sa dad ko yung sinabi ko sayo noon"

"Ano?! nakakainis ka nagmukha pa akong nababasted ng babae sa harap ng dad mo."

"Bakit? Edi sasabihin ko na pumayag ako sayo na magpakasal dahil magkasama tayo dito sa Vegas at nadevelop pa lalo ang pagmamahalan natin oh edi lusot na tayo."

"Sigurado ka ba na gusto mo to?"

"Oo noh, tska bagong adventure to satin."

"Adventure talaga ah. Sige na papayag na ako basta ba pag nagkabukingan ikaw ang sasalo ah."

"Oo naman tska hindi tayo mabubuking kasi magkakarules tayo at meron pa tayong 1 week para maghanda tska hihingi ako tulong sa bestfriend ko."

My Unexpected Hero *CHARDAWN* (Completed) (Book 1)Where stories live. Discover now