Chapter 19 Together Again

1.4K 25 3
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Kanina ko pa gustong gawin ito..."

Ang boses na kay tagal kong hinintay marinig.
Tila huminto ang tibok ng puso ko,at ng simulang tumibok ay kumalabog naman ng todo.
Shit Dilim may sakit na ako sa puso!!!!

Mabilis na iniharap ako nito.

"Kay tagal kitang hinintay Mahal ko,sinuyod ko ang buong kaharian ng Hether ngunit di kita natagpuan,maging ang mundo ng mga tao ay aking naging tambayan.Ngayon makikita lamang kitang kasayaw ng hampaslupa kong pinsan?"

Di ko napigilang mapahagikgik
I so love this man damned much.

Walang salitang tinawid ko ang kanyang mga labi
At ginawaran ito ng halik,halik na kay tagal kong na miss,halik na buong tamis rin nitong tinugon.
Tila lahat ng sabik namin sa isat isay inilabas namin sa halik na ito.
Tumigil lamang kami ng halos maubusan na kami ng hangin.

Kung inilaban malamang kami lovapalooza mananalo kami.

"Na miss kita ng sobra Dilim ko,kahapon pa kita hinahanap epal lang yang pinsan mo.." sambit ko habang mahigpit kong yakap ito.

Napatawa lang ito ng marinig ang sinabi ko 😚

"Na miss din kita Prinsesa ko..."

Napatingala naman ako ng marealize na nakaintindi ito ng english,nagtatakang napatitig naman ako dito.

"Nakakaintindi na ako ng mga salita mo Prinsesa ko dahil sa ilang buwan kong pananatili sa mundo niyo,sinabi ko ng hinanahap kita diba?"

"Ah okay..." sabay yakap ko ulit sa kanya ng mahigpit. Ramdam ko naman ang pag alog ng balikat nito tanda ng paghagikgik nitong muli.
Alam ko naman na ganito ang gusto niya eh ang magkayap lamang kami palage kahit saan
Noon nga kahit di na kami kumain eh basta magkayakap lamang kami kaya alam ko na ang nagdaang isang taon ay napakahirap rin para sa kanya.

"Prinsesa ko, nakikiusap ako sa iyo wag ka na ulit aalis sa aking tabi...
Para akong mababaliw ng mawala ka dalawang araw buhat ng umalis ka ay bumalik ako sa tahanan ni Kreta.Laking takot ko ng sabihin niyang bigla kang umalis dala ang mga gamit mo.
Kung saan saan ka namin hinanap ngunit di ka namin makita kaya naisip kong umuwi ka sa mundo niyo...pls. dont ever leave me again, baka hindi ko na kayanin" umaalog ang balikat na wika nito pero this I know na umiiyak na ito this time.

"Ako rin naman nahirapan nung pinili kong umalis Prinsipe ko,mayroon akong mabigat na dahilan kaya ko nagawa yun.Sasabihin at ipapaliwanag ko rin ito sa iyo ngunit ngayon pls. Ganito muna tayo...
Promise hindi na kita iiwan kung kinakailangang pasabugin ko yang malaking Barrier na yan makasama ka lang sa lahat ng oras gagawin ko..."
Napatawa lang ito,at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin,ganun din ako.

Actually mga 1hour na kaming nakaupo dito sa taas sa sanga ng puno.

"Dilim tutal naman narito na tayo sa palasyo nyo baka naman pede dun na tayo matulog?"

Anak ng Engkantado (#watty's2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon