Chapter 2

1.7K 55 2
                                    


Lumipas ang mga araw at madalas na magkita si Cassidy at Aris sa falls.
Madalas silang manghuli ng isda at iyon ang iniihaw nila at kinakain habang masayang nagku kwentuhan.

Napag alaman ni Cassidy na di pa nakapunta sa manila si Aris kaya naman marami siyang ikinukwento dito na masaya naman nitong pinakikinggan.

Masaya si Cassidy sa tuwing nakakasama niya si Aris.Alam niyang ito ang nakabihag sa kanyang mailap na puso.Lumipas pa ang mga araw at nagtapat na ito ng pag ibig sa kanya.
Na malugod naman niyang sinuklian.
Naging opisyal silang magkasintahan.

Bagamat nagtataka sapagkat ni minsan ay hindi siya niyayang mamasyal nito sa labas ng gubat ay ipinag kibit balikat na lamang niya.
Sa isip ay antayin na lamang na dito magmula.
Basta ang alam niyay masaya siya sa tuwing kapiling ito ay sapat na.

Isang hapon na nakatakda silang magkita sa falls naisipan niyang sopresahin si Aris nagbaon siya ng beer at snacks na pwede nilang ipangpulutan.
"6 cans of beer,hindi naman kami malalasing nito
Bonding lang hehe" sa isip isip ni Cassidy

Nang makarating sa lugar, Siya ang lubos na nasopresa ng makakita ng munting bahay sa ibabaw ng malaki at mayabong na puno.

Nagulat pa siya ng may matitipunong bisig na yumakap sa kaniya mula sa likod.
"Nagustuhan mo ba ang ginawa ko para sayo?"
Malambing na tanong ni Aris

Maluha luhang napalingon naman ako sa kanya.
"I really love it Aris!!!" Sabay yakap dito
At di ko napigilang halikan ito.

Bagamat nagulat si Aris ay maligayang tinugon nito ang halik ng kanyang kasintahan.
Walang anumang kayamanan sa mundo ang makatutumbos sa ligayang nararamdaman niya kay Cassidy.

Batid man niyang hindi sila magkauri, wala siyang pakialam.Kaya niyang ipagpalit ang lahat para sa babaeng kanyang minamahal.
Isa lamang ang ikinatatakot niya,ang magiging reaksiyon ni Cassidy pag nalaman nito kung sino ba siya sa talaga pero sa ngayon hindi muna yun ang mahalaga.

"Tara na akyatin ang ating munting palasyo,pasensiya kana at sa ngayon yan pa lamang ang maibibigay ko sayo..."
Pinutol ni Cassidy ang dapat pa sana niyang sasabihin.

"Kahit anong kayang mong ibigay ay malugod kong tatanggapin Aris dahil mahal na mahal kita..."

"Higit pa ryan ang kaya kong ibigay sayo mahal ko ngunit natatakot akong baka hindi mo tanggapin ito,naway sanay tuparin mo ang sinabi mo mahal ko" tugon ni Aris ngunit sa isip niya lamang.
hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Cassidy ang lahat.

Makalipas ang sandaling pagbusisi ni Cassidy sa pagkakayari ni Aris sa treehouse ay nagpasiya na siyang ilabas ang mga baon niya sa kanyang bag.

"At dahil gawa na ang ating unang bahay lets celebrate! Here may dala akong beer uminom tayo!!!" Sabay abot nito kay Aris ng usang in can.

Tinanggap naman nito ngunit pinakatitigan lamang.

"Ayaw mo ba ng brand na yan ng beer?
Hmmm umiinom kaba ng beer?" Alanganing tanong ni Cassidy dito.

"Ahm ok na to... hmmm pwede pakibukas?" At iniabot nito iyon kay Cassidy na dagli rin naman nitong binuksan at ibinalik sa kanya.

Mataman niya lang itong pinagmasdan.
At nakita niyang kinuha ni Cassidy ang ibang tsitirya sa supot at ibinuhos ito sa malaking plato.
Naglagay rin ito ng maliliit na tipak ng yelo sa mangkok matapos ay bumalik at umupo sa tabi niya.Nanatili lamang siyang nakamasid dito maging ng buksan rin nito ang hawak nitong lata at isinalin sa baso at nilagyan ng yelo.

Kinuha rin nito ang lata sa kamay niya at isinalin rin sa isa pang baso na sigurado siyang para sa kanya.

Maya maya pay iniabot nitong muli sa kanya ang baso at pinag untig ito.

"Cheers! Para sa bago nating tree house!!!" Kasunod ay ininom na nito ang laman ng baso na siyang ginawa rin niya.

Nabulunan siya ng sa unang pagkakataon ay malasahan ang inuming ito.
Napasulyap siya sa kanyang katabi ng marinig ang malakas na pag tawa nito.

"Sabi ko na nga ba eh, di ka talaga umiinom ng beer hahahahaha!!!!"

Napatulala na lamang siya sa namumulang mukha ni Cassidy marahil ng dahil sa kakatawa.
Lalo lamang itong gumaganda sa paningin niya.
Wala sa sariling ininom niya ng isang lagukan ang natitirang laman ng baso.


"Oh ano kaya pa?" Tanong ni Cassidy kay Aris
Nakakaapat na can na ito ng beer. Nung unay parang napipilitan lang itong uminom ngunit ng maubos nito ang isang in can ng beer ay ito na mismo ang nagbukas ng pangalawang can at mukhang tuwang tuwa ng ininom ito.

"Hik hik ano? Sabi mo?" Sinisinok at namumungay ang matang tugon nito.

"Tsk yan kasi pinaspasan mo ng inom eh mukhang di ka talaga sanay mag inom.
Di ko in-expect na malalasing ka ng ganyan sa 4 can of beer..." napabuntunghininga na lang siya.

Pasimple niyang itinabi ang mga kalat at pinahiga sa comforter na inilatag niya si Aris para makapagpahinga ito.
Hirap man sapagkat mukhang bagsak na ito ay ipinilit niyang maisaayos ito ng higa.

Ngunit laking gulat niya ng hilain siya nito at napahiga siya sa tabi nito.
Di pa man siya nakaka get over ng sa ilang segunda lang ay naramdaman na niyang nakalapat na sa labi niya ang labi nito at mapangahas siyang hinalikan.

Nadarang na rin siya sa kapusukan nito hanggang sa ang halik na sinimulan nito ay nagtapos sa pagkawala niya ng kaniyang virginity.

Isinuko niya dito ang lahat ng walang pag aalinlangan.At natulog siya sa bisig nito magdamag.










Hi! Sensiya na im not good gumawa ng BS tsaka
Mahirap na baka me minor pa makabasa heheheh
Peace 😆

Anak ng Engkantado (#watty's2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon