Chapter 10

1.4K 32 3
                                    

Nagtipon tipon na mga pinuno ng bawat angkan para isagawa ang ritwal ng pagbibinyag sa prinsesa ng Ethen.Lihim at Sagrado ang ritwal na ito para lamang sa mga may dugong bughaw na nilalang.

Isinagawa ang ritwal sa tagong lawa ng elwa ito ay nasasakop ng teritoryo ng mga elves.
Nakapalibot ang lahat  habang dinarasal ang ritwal na hindi mawari ni Aria.

Matapos ang nakakaantok na ritwal para kay Aria ay iginiya na siya ng punong Babaylan patungo sa tubig.

"Sa kapangyarihang Binubuo ng mga
Elemento ng Lupa...
(at iniabot ng pinuno ng elves ang isang dakot ng pinong buhangin sa kamay ni Aria)
Elemento ng Hangin....
(At lumipad ang punong dambana at iwinasiwas ang kanyang magic wand sa uluhan ni Aria)
Elemento ng Apoy....
( at nagliwanag ang buong paligid gawa ng apoy na sumindi sa lahat ng sulo)
At nang Elemento ng tubig...
(At unti unting naramdaman ni aria na lumulubog siya sa tubig, hanggang sa tuluyan siyang lamunin nito.)
Ikaw Prinsesa Aria ay Ganap ng kinikilala bilang Prinsesa ng Kaharian ng Ethen..." malalim na wika ng Punong Babaylan.

Lahat ng nakasaksi ay matamang naghihintay sa pag ahon ng dalaga.Sabik ang lahat sapagkat sa oras na umahon ang dalaga sa tubig ay makikita nila ang Anyo ng Tunay na Kapangyarihan ng kaisa kaisang Prinsesa ng Ethen.

Ngunit makalipas ang ilang minuto'y nagsimula na silang mag aalala lalo na si Haring Aris at ang Ama At Inang Reyna nito,sapagkat tila matagal kaysa sa normal ang pananatili ng prinsesa sa ilalim ng tubig.

"Di kaya dahil sa siya ay kalahating mortal?"
Di mapigil na naisatinig ng pinuno ng elves na si kiro.

"Punong Babaylan, anong ating gagawin?" nag aalalang tanong ng Hari

"manalig na lamang po tayo Mahal na Hari, at magtiwala sa kakayahan ng Mahal na Prinsesa..."

"Pero ang anak ko....'" di na natapos na Hari ang kanyang dapat sabihin ng biglang may nakakasilaw na liwanag ang nagmula sa tubig.

Sa sobrang liwanag at lakas ng hangin na may hatid na init at isama pang tumaas ang tubig sa lawa di malaman ng mga engkantado at ng ibang nilalang sa lugar na iyon kung ano ang gagawin.

"Aria anak!!!!" Pinipilit lumapit ni Haring Aris ngunit sadyang kay lakas ng pwersa at silang lahat ay tumilapon ng sumabog ang pwersang ito
At paitaas na gumuhit ang malaking pwersa ng puting liwanag sa langit na siguradong nakita ng lahat ng nilalang sa buong dimension.

Sa kaharian ng Etheria

"Mahal na Haring Lorcan! Ang kalangitan!!!!"
napatayo ang hari at sa nakita ang napakalaking guhit ng liwanag sa langit na nagmula sa lupain ng Ethen...

"Ano ang ibig sabihin nito? Ipatawag ang punong mangkukulam ngayon din!!!" Utos ng hari

Lawa ng Elwa

Nang mawala ang liwanag isa isang nagsibangon sila Haring Aris at ng mapatingin ang mga ito sa lawa ganun na lang ang Gulat at takot ng lahat sa nilalang na kanilang nasaksihan.

Nang mawala ang liwanag isa isang nagsibangon sila Haring Aris at ng mapatingin ang mga ito sa lawa ganun na lang ang Gulat at takot ng lahat sa nilalang na kanilang nasaksihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita nila ang puting malalaking pakpak,ang mahabang puting buhok at ang puting mga mata ni Aria.Na walang emosyong nakatitig sa kanilang lahat.

Walang nakakilos,walang makapagsalita.
Ngayon lamang sa tanang buhay nila sila nakakita ng ganitong nilalang.

Saglit lamang ay napabalikwas silang lahat ng unti unting bumalik si Aria sa normal habang dahan dahang nalalaglag.
Maagap na nasalo ni Aris ang anak na nawalan ng malay.

Nagtakbuhan palapit ang mga nilalang na nakasaksi sa kagilagilalas na pangyayari.

"Anong nangyari sa kanya punong babaylan?" Tanong ng Hari. At ng malingunan nito ang babaylan di nakaligtas sa kanya ang panlalaki ng mata nito na kababakasan ng matinding takot.

"Babaylan,sumagot ka! Anong nangyari sa anak ko!!!" Pagalit na sigaw ng hari

Nakaramdam ng takot ang lahat.Sapagkat ngayon lamang nila nakitang magalit ang mabait na Hari.

"Mahal na Hari...
Ang propesiya...." nanginginig na wika ng babaylan.

Natulala ang Mahal na Hari ng makuha ang ibig nitong sabihin,maya maya pa'y tiim bagamg na binuhat ang prinsesa at walang salitang iniuwi ito sa palasyo.

Pagpupulong

"Siya ang itinakda! Ang sinasabi sa propesiya kung ganun siya ang magtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat!"

"Kung ganun Siya rin ang magiging pinuno ng buong dimension sa takdang panahon..."

"Siya ang ating tagapagligtas!!!"

Ilan lamang yan sa mga usapang maririnig sa pulong ng mga pinuno.

"Hihintayin natin siyang magising, pagkatapos ay ipakikilala sa lahat bilang aking anak at prinsesa ng Ethan yun lang.
Ang kanyang pagiging itinakda ay mananatiling lihim para na rin sa kanyang kaligtasan,kamatayan ang parusa sa magpapakalat ng lihim sa buong kaharian..."
Utos ni Haring Aris

Anak ng Engkantado (#watty's2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon