Chapter 16

1.2K 30 0
                                    

Nagmumukmok ako ngayon sa ilalim ng puno.
Haisssst... isang linggo na mula ng umalis si Dark pero wala pa rin kaming naririnig mula rito.
Maayos naman ang kalagayan ko dito ka kreta,mabait naman pala siya basta wag ko lang pakikialaman ang mga gamit niya.

May natutunan rin naman ako sa kanya kagit papaano tungkol sa mga halaman gamot o nakakalason at tungkol sa pamumuhay nakagawian ng mga mamamayan rito sa Hether.

Isa lamang ang hindi ko nagustuhan sa mga nalaman kong impormasyon at yun ay magkalabang mortal ang kaharian ng Ethen at Hether. At sa mga scenarios na naiisip ko 50/50 ang magiging status ng relationship namin ni Dark.
Pero kung mapagtatagumpayan naman namin ito pagbubuklod ang dalawang kaharian at magkakaroon ng pangmalawakang kapayapaan sa buong dimension na ito.

Yan ang goal ko ngunit bago yan,narealize kong kailangan kong maging malakas at makamit ng ganap ang kapangyarihan ng apat na elemento.
Nang sa gayun magawan ko ng paraan ang mga problemang alam kong di ko maiiwasan kung ipipilit kong makasama si Dark.

Kailangan kong kumilos,
Base sa istorya ni kreta malaki ang galit ng hari ng Hether which is ama ni Dark sa Ama ko na hari naman ng Ethen kaya panigurado na kapag nalaman ng mga ito ang tunay na ako tututol ang mga ito.

Pero kung ako naman ang pinakamalakas na nilalang at itinakda maaaring sila pa mismo ang pumikot sa akin hihihi
Kaya kailangan ko ng kumilos at gumawa ng paraan sa lalong madaling panahon.

Sinulyapan ko si Kreta na abalang abala sa pagdidikdik at pagpapakulo ng kung ano anong halamang gamot.
Matapos ay tinanaw ko ang napakataas na barrier sa di kalayuan at ang gubat kailangan kong tuntunin para makarating roon.

Inayos ko ang mga gamit ko at inilaglag sa labas ng munting uwang na nagsisilbing bintana nitong kweba matapos ay patay malisya akong naglakad palabas.Nang makuha ko ang gamit koy patay malisya rin akong naglakad papasok sa gubat.

Nang sa tantya koy wala ng makakakita sa aki'y tumakbo na ako ng mabilis papaloob sa kakahuyan.
Makalipas ang sa tantya koy bente minutong pagtakboy nahahapong naupo ako sa isang usling sanga.

"Kapagod!!!!" Pero kaya ko to AJA!!!!"

At sinimulan ko na ulit ang mabilis na paglalakad,kailangan ko ng makabalik sa Ethen at simulan ang aking pagsasanay.
Malapit ng magtakip silim ng marating ko ang barrier.
Hinawakan ko ito ulit.Matigas naman paano kaya ako nakalusot dito noon?

"Siguradong napakalakas na mahika ang ginamit dito upang maging harang..."Kahit si Dark hindi kayang tibagin ito sabi niya.
Pero nakalusot ako ng walang kahirap hirap kaya siguradong kaya ko itong muli.

Bumwelo ako ng mga tatlong dipa bago walang pag aalinlangang tumakbo papunta sa harang bahala na kailangan kong subukan.
Laking pagkamangha ko ng lumusot ako sa barrier na parang mahinang hangin lamang itong sumayad saglit sa aking katawan.

Narito na ako ngayon sa Ethen,nanlalaking mata ng mga Ethenian ang bumungad sa akin.
"Patay!!!! 😨

"Ang Mahal na Prinsesa Aria!!!"
at nagsiluhod ang mga ito.

"Ahhh hehehehe Hi?!!!" Alanganing ngiti na lang nagawa ko.

"Matagal na po kayong pinaghahanap ng Hari Mahal na Prinsesa lubos po ang kanang pag aalala..." wika ng isang dambana

Hala how can i be so selfish,hindi ko na naisip ang nararamdaman ni Ama.
Kasalanan ni Dark ito eh simula ng makilala ko siya,siya na lang ang laging laman ng isip ko tsk

"Maaari niyo po akong ihatid kay Ama?" mangiyak ngiyak kong sabi

Palasyo ng Ethen

"Mahal na Hari nagbalik na po ang Mahal na Prinsesa!!!!" wika ng kawal sa Hari

"Totoo ba ito?" Tanong ni Aris

"Siyang tunay Kamahalan..." sagot ng kawal

Mahabaging Bathala maraming salamat.
At dali dali na akong tumakbo patungong tarangkahan upang salubungin ang aking anak na mag dadalawang buwan ko ng hinahanap.

At ng makita ko ito'y dagli kong niyakap
"Maraming Salamat sa lahat ng Bathala at ikaw ay ligtas na nakabalik sa amin anak klng Aria..." mangiyak ngiyak kong sabi .

"Patawad po Ama at hindi po ako nagpaalam ng akoy umalis.Patawarin niyo rin po ako kung pinag alala ko po kayo..." sambit nito

"Ang mahalaga ay ligtas ka at naririto ka na Anak ko,magpahinga kana at mamayang gabi'y saluhan mo kami para sa hapunan..." nakangiting wika ko sa kanya.

Humalik muna ito sa aking pisngi bago humayo papunta sa kanyang silid.
Hihintayin ko na lamang siya kung kailan niya sasabihin sa akin kung saan siya nanggaling at kung ano ang nangyari.

Kinabukasan

Hiniling ni Aria na makapag usap kami ng sarilinan kaya narito kami ngayon sa silid aklatan.

"Ama gusto ko pong maging tapat sa inyo Ama...
Ang totoo po niyan,tumakas ako dito sa palasyo dahil nais kong libutin ang paligid sa labas nitong kaharian at di sinasadyang nakalusot ako sa harang Ama..." saad ni Aria na tunay kong ikinabigla.
Wala pa ni isang engkantado,nuno o sireno ang nagtagumpay na makalusot sa harang na ginawa pa ng aming ninuno.
Nung panahong nagkaroon ng digmaan sa kahariang ito at ng Hether.
Maging ang mga hetherian na matagal ng nais kaming masakop ay bigong gibain ito.
Ang harang na iyon ay aming proteksiyon laban sa mga Hetherian at iba pang mababangis na nilalang na naninirahan sa Hether.

Marahil sapagkat si Aria ang itinakda kaya nagawa nito iyon.

"Ano ang nangyari sa pagpasok mo sa Kaharian ng Hether anak?" tanong ko

"Ama nakilala ko si Dark ang Prinsipe ng Hether..."
Napayuko ito

"Sinaktan kaba niya Anak?" tanong ko

"Hindi po,ang totoo niyan napakabuti po niya sa akin at hmmm nagmamahalan po kami..."
Lubos kong ikinagulat at ikinabahala ang sinabi ni Aria. Hindi iyon dapat mangyari tila pinaglalaruan kami ng tadhana.

"Ama,matagal kaming namalagi sa gubat bago nagpasyang pumunta sa kabayanan?dun ko nabatid ang sitwasyon at relasyon ng kaharian nila sa atin at dun ko rin napagtantong napakahirap pala ng kalagayan namin..." malungkot na wika ng aking anak.
Napakalaking pagsubok nito para sa aking anak at ayokong mangyari ang ganito sa kanya.

"Ama,hindi pa po alam ni Dark na ako ay isang Ethenian at Prinsesa pa ng kaharian natin,
Nais ko po sanang magpalakas Ama upang dumating ang panahong kayanin kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya.
Buo na po ang aking pasya,kung ako nga ang totoomg itinakda at sinasabing pinakamalakas sa lahat sa buong dimension na ito,
Sisiguraduhin kong si Dark ang magiging Hari sa tabi ko Ama...." buo ang loob na wika nito.

Bilang Ama,wala na akong magagawa kundi suportahan na lamang siya, pabor din naman ako sa layunin niyang makamit ang buong kapangyarihan,kapag nakuha na niya itoy mas magiging kampante na ako sa kanyang kalagayan.

"Kung ganun ay titipunin natin ang mga pinakamalakas na nilalang ng Ethen at kayoy magtutungo sa bundok ng Seah upang magsanay,
Isang taon Mahal kong Prinsesa,Wala kang iintindihin kundi ang pagsasanay at pagpapalakas.
Pagkatapos nito at nagtagumpay ibibigay ko ang aking basbas sa inyong pag iibigan ng Prinsipeng Hetherian anuman ang kahantungan,susuportahan kita anak..."

"Maraming Salamat po Ama,the best ka talaga.."
Wika nito habang umiiyak at yumakap sa akin.
Marahil kailangan ko ng pag aralan ang salitang ingles para naman maintindihan ko ng lubos ang lahat ng salita ng anak ko.

Magpapatawag ako ng Engkantada mula sa daigdig ng mga tao at magpapaturo kaming lahat dito sa palasyo.

Magiging surpresa ito para sa pagbabalik ng Prinsesa.

Anak ng Engkantado (#watty's2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon