"Mr. Gio, nandito po si Ms. Anikka." her secretary pressed the intrercom button and she looked at me.
"Let her in." I shivered from his voice, unable to make my breathing steady. "And go buy me a machhiato."
"Yes, sir." tinanguan ako ng sekretarya niya at ni-lead ang daan sa pasilyo papunta sa opisina ng kanyang boss. "Pasok na po kayo ma'am."
Kabado akong pumasok sa loob ng kanyang opisina. I know I shouldn't feel this way, dahil sa totoo lamang ay siya pa nga ang mayroong atraso sa akin. Kung alam niya lang.
Halos sampalin ko ang sarili ko para lang makapaglakad ng matino. I kept my gaze down. Ayoko siyang tingnan. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa na naman sa paningin niya. Baka masabihan niya na naman akong paawa.
Sinulyapan ko ang glass plaque na nasa harap ng desk niya. 'CEO Gio Karlos Monterreal.'
Hindi ko na tinangka pang lumapit ng sobra. Nang mapagpasyahan kong mag-angat ng tingin sa kanya ay halos mapaurong ako nang makitang nakatingin na pala siya sa 'kin.
"Have a seat." he said. I heard it as a command so I obeyed dahil pakiramdam ko bibigay na ang tuhod ko anumang oras rito if I don't take a sit.
Muli niyang binalikan ang papeles sa kanyang harapan at pagkatapos ng ilang guhit at tuldok ay padabog niyang isinarado ang folder.
Holy shit. Ba't ba ako kinakabahan? Eh wala naman akong nagawa sa kanya na 'di maganda! Leche.
"Your father. Nakausap mo na ba siya?" sabi niya. Iniangat ko ang paningin ko at tapang-tapangan na nilabanan ang kanyang tingin.
Anikka, be confident. Wala kang mapapala kung uunahin mo 'yang nerbiyos mo.
I took a deep breath bago umiling. I then avoided his gaze ng umarko ang isang kilay niya pataas.
He's on his usual poker face pero para akong hini-hypnotize ng mga mata niya. Hindi ko kaya talaga.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumalikod sa akin. He's now facing the large glass window which made me feel less uncomfortable.
Mas nakahinga ako ng maluwag ngayong hindi na siya nakatingin sa akin.
I stared at his broad back. Nagpamulsa siya at huminga ng malalim.
"My company will be merging with your father's." hint of annoyance was heard from his voice when he finally spilled the beans.
Kumunot ang noo ko sa narinig. That was it? Ipinatawag niya ako para lang ipaalam na magme-merge ang kompanya niya at ng ama ko?
I stood up from my seat, irritated. May klase pa ako pero pinatawag niya ako para lamang dito? What the heck?!
"And?" tanong ko, humalukipkip. Nagbabaka-sakali akong may mas malalim pang dahilan, baka maibsan pa ang iritasyon ko.
"May dinner daw ang pamilya natin mamayang 7 sa restaurant ni tita Maureen. Dun nalang natin pag-usapan ang detalye. You can leave." malamig niyang utas, nananatiling nakatalikod sa akin.
"Bullshit." mahinang mura ko at napalingon siya. Mukhang hindi nakaligtas iyon sa pandinig niya. Nagsalubong ang mga kilay niya sa akin at tumagilid ang ulo. Tila ba nabingi sa anumang binanggit ko.
Bakit? Siya lang ba ang pwedeng magsungit?
"You should've just texted me, o 'di kaya ay nagpadala ka ng tauhan sa opisina ko. I'm busy too, just so you know. Hindi naman ako nagpalit ng number." bwisit talaga!
Asar akong tumalikod at nagmartsa palabas ng opisina niya. Hanggang ngayon pala ay dala dala niya parin ang attitude niyang ganyan. Basta ginusto niya, kahit may matatapakang tao, gagawin niya.
"Don't you dare leave my office hangga't di ko sinasabi." I stopped. Natatanga akong napalingon sa kanya.
Kasasabi niya lang kanina na umalis ako hindi ba?!
At isa pa, anong akala niya? He can boss me around like before?
"I'll get to leave whenever I want to." sagot ko sa kanya at muling nagsimulang maglakad palabas ng opisina niya.
Ngunit hindi ko pa man naabot ang door handle ng kanyang opisina ay hinablot niya na ang aking braso at marahas akong ipinaharap sa kanya.
Nasa gilid kami ng pinto at nakadikit ang likod ko doon.
Halos maubusan ako ng hangin sa baga ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa ilong ko. He's too close, shit.
Nanginginig kong iniangat ang tingin ko sa mga mata niya. Nang magtama ang paningin namin ay aligaga akong napaiwas. I still can't look at his blazing eyes, till now.
I was about to say something when his lips attacked mine. Nanlaki ang mata ko sa gulat. But I was obliged to close my eyes, to feel him. His lips were soft pero sobrang diin ng pagkakahalik niya sa akin. Tila mabubura na ang mga labi ko. My whole body tensed at the sensation he was giving me.
Tinapos niya ang halik nang pareho na kaming nauubusan ng hangin. My lips, they're parted, for I was aching to inhale some air to breathe, at the same time, wanting more of his taste.
Nakangisi siyang nakatingin sa akin and I honestly don't know what to feel. He then moved his head to face me sidewards, hanggang sa tumama ang tungko ng kanyang ilong sa pisngi ko.
My body quivered when he whispered the words I never expected to hear, even in my wildest dreams.
"I don't wanna hear my soon to be wife muttering bad words again. Do you understand?" nakatanga akong nakikinig sa kanya. His voice was hoarse, sexy, and seducing.
Damn, ano ba 'tong mga iniisip ko?
Hindi pumapasok sa sistema ko ang anumang binibitawan niyang mga salita. "Or else, I'll punish your lips so bad that it will be swollen... yet aching for more."
Ibinalik niya ang mga tingin niya sa akin. I don't know kung paano pero sa pagkakataong ito, nalabanan ko ang seryosong mga titig niya.
"For now, that's just a warning."
--
This is a work of fiction, names, places and events similar to anything are used in a fictitious manner and is/are products of the author's imagination.
Plagiarism is a crime.
-twelvezeronine, Eris 🌹
YOU ARE READING
Wait For You
General FictionAnikka was forced to marry Gio, her ex college sweetheart. She knew Gio doesn't like her. Not anymore. At ngayong ipakakasal na sila, maging maayos kaya ang kanilang pagsasama o patutunayan lamang nito na wala nang pag ibig ang maaaring mamagitan...
