Epilogo

6.2K 421 217
                                    

Art Credit: Ang gawang-sining po ito ay galing sa dalawa nating mambabasa na ayaw magpakilala. Maraming salamat, alam n'yo na kung sino kayo.

Maraming-maraming salamat. Nakakataba ng puso.

Bago po magsimula ang epilogo natin, gusto ko lang pong ilagay ang ilang piling letra ng kantang 'Tayong Dalawa ni Johnoy Danao' (tamang-tama po kasi yung mga letra ng kanta sa ating istorya)

"Ikaw at ako, pinagtagpo, nag-usap ang ating puso.

Nagkasundong magkasama habang buhay

Nagsumpaan sa Maykapal, walang iwanan, tag-init o tag-ulan

Haharapin bawat unos na magdaan

Sana'y di magmaliw ang pagtingin

Kay daling sabihin, kay hirap gawin

Sa mundong walang katiyakan... sabay nating gawing kahapon ang bukas.

Ikaw at ako, pinag-isa.. Tayong Dalawa may kanya-kanya

Sa isa't isa tayo ay sumasandal....

------------------------

Airport - Arrival area (Anim na taon pagkaraan....)

Nangyari na 'to dati. Nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik.

Kinawayan niya. Aba kumaway din! Pabebe wave pa!

Nagmake-face siya. Nagmake-face din.

Pero sa totoo, kinakabahan si Meng. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Nanlalamig ang mga kamay niya. Dahil ang kinakawayan niya ay hindi na isang 1 and 1/2 year old baby. 12 years old na si Bash. Hindi na rin siya bata, teenager na next month.

At hindi siya tumitingala ngayon para tingnan ang mga eroplanong paalis.

Wala siyang ihahatid dahil hindi paalis ang bestfriend niya na asawa na niya. Andito sa tabi niya, hawak-hawak ang nanlalamig niyang kamay at nakikingiti, kaway at make-face din kay Bash.

Nasa loob sila ng arrival area. Sinamahan nila si Bash na may hinihintay na padating.

--------------------

Wala talagang kupas ang mommy at daddy niya.

Minsan mas nag-iisip bata pa sa kanilang magkakapatid. And he wouldn't have it any other way. Gano'n sila magpakita ng support sa mga anak nila.

Binalik ni Bash ang tingin sa Display monitor. Mas kabado na siya ngayon kesa kanina. Mas kabado pa siya kesa kahapon nang bigla siyang tawagin sa stage sa moving-on ceremony para mag-lead ng pagkanta ng school anthem nila. Best in talent ba naman at nasa overall honor roll pa. Eh di ako na nga!

Pero balik tayo sa Display monitor. Landed na daw ang flight nila.

Inayos niya ang hawak niyang illustration board. Mr. & Mrs. Steve and Maggie Smith. Ngayon na lang sila ulit magkikita ng birth mother niya.

Oo ang tummy mommy niya.

Ilang buwan na rin mula nang malaman niya kung kaninong tummy siya galing. Open naman sila mommy at daddy na sabihin sa kanya anytime. Gusto lang nila na siya ang magtanong. Kung kailan siya ready.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi siya nagtaka nang sabihin sa kanya na si Tita Maggie ang tummy mommy niya. Hindi niya alam kung dahil kinukuwento siya ni mommy minsan or di kaya ay pinpakausap siya sa facebook messenger o facetime.

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon