3 - Suhol pa more, Pressure pa more

4.8K 446 97
                                    


A/N: Isang mahalagang paglilinaw po sa nakaraang kabanata. Kailangan lang gawin. Hindi pa daw naka Technomarine na relos si Tisoy sa mga panahong ito. Hindi pa kayang bilhin, kahit nasa abroad ang tatay. Sablay ang ating product placement. Pero darating tayo diyan. Tiwala lang. (kuha tissue, punas pawis)

Dahil diyan, simpleng update lang po today, ma-establish lang ang dynamics ng friendship nila.... Otor, define dynamics. In Tagalog.


Marahang iniinom ng matanda ang mainit na tsaa sa harap niya nang biglang may yumakap galing sa kanyang likuran.

"Ay kabayong buntis na napaanak bigla!!! Ano ba Ricardo? Gusto mo bang atakihin ako sa puso?"

Hinalikan niya sa pisngi ang matanda. "Kumusta ang umaga ng pinakamagandang lola sa balat ng Pilipinas? Good morning Tita! Umalis na si mama?"

"Kanina pa, may activities daw sa school. Ang aga mo yatang bumangon? Alas-otso pa lang a? Diba mamayang tanghali pa pasok mo?"

Si Tita Irma, pinakabatang kapatid ni mama. Hanggang ngayon hindi pa rin nag-aasawa.

Umupo ang binata sa tabi ng lola niya. "May maagang lakad lang po Tita. La, na-highblood ka daw kahapon? Alam ko na, sinong karakter sa pinapanood mong teleserye ang nakidnap?"

"Ano bang pinagsasabi mo bata ka? Walang nakidnap."

"Namatay? O may lumitaw na akala nila patay na?"

Hindi pinansin ni Lola ang sagot niya. "Medyo nahilo lang nang konti dahil siguro sa init."

"Sabihin mo lang lola, punta tayong Tagaytay o Baguio para kahit saan ka may natural aircon. Gusto n'yo po bukas?"

"Huwag na, ipahinga mo na lang. Kumain ka na, sabayan mo na ko."

"Mamayang gabi na lang po, promise sabay po ako ng dinner. Tita, puwedeng magrequest ng sandwich? Yung specialty mo?"

"Himala! At kailan ka pa natutong magbaon?"

Ngumiti lang si Richard. Hindi po ako.

-----------------

Later, over there sa kabilang bakod ....

Patakbong bumaba si Menggay sa hagdan, mabilis na nagsuot ng sapatos at kinuha ang gamit. "Hoy Menggay, kumain ka muna. Aalis ka na naman nang walang laman yang tiyan mo!"

"Sorry manang, male-late ako. Alam mo naman ang traffic pag Sabado."

"Kahit tinapay lang! Mapapagalitan na naman ako ng nanay mo, hoy!"

"Kung sasabihin mo, manang. Labyu! Bye!"

Pero nagulat siya sa nabungaran niya paglabas ng gate.

Si Tisoy. "Sakay na."

Hinipo niya ang noo ng kaibigan. "Wala ka namang lagnat. Ano'ng nakain mo at ang aga mo yata? Sa'n punta? Diba mamaya pa klase mo?"

"Ikaw naman, alam mong ayaw na ayaw kong nahihirapan ka magcommute at makipagsisikan sa LRT."

Tumaas ang kilay ni Meng.

Pagsakay sa kotse, inabot naman ni Tisoy ang baong sandwich.

"Ano naman 'to?"

"Breakfast mo. Siguradong hindi ka pa kumain at ayaw kitang magutom. Tapos, ito ang panulak. Magnolia Chocolait, bawal muna ang softdrinks. Alam mo yan."

A/N: Sigurado ka Tisoy? Basta huwag kang hihirit habang umiinom siya.

Natigil si Meng sa pag-ayos ng seatbelt. "Okay, nasaan ang best friend ko? Sino ka na nagpapanggap na si Ricardo?"

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon