52 - Kasalanan Ba?

4.3K 369 55
                                    

A/N: Tuwing naglalakad ako sa mall o nasa bus o mrt, basta yung maraming tao, alam n'yo naiisip ko? Siyempre hindi. Eto na nga. Na lahat ng nakakasalubong ko at nakakasalamuha ko, may kanya-kanyang kuwento. Siyempre dahil buhay nila, sila ang bida. At ano tayo? Supporting cast o baka nga extra lang.

Baka nga minsan pa, di sinasadyang kontrabida pa ang dating natin sa kanila. Yung tipong maganda o guwapong hadlang sa anumang gusto nila sa buhay.

Dahil nga may kanya-kanyang istorya ang bawat isa, hindi kailangan ng evil na kontrabida na ala-Celia Rodriguez o Cherry Gil para magkaroon ng conflict ang buhay. Minsan mag-krus lang ang landas n'yo, may make-create ng conflict.

Hindi man para sa kanya, para sa 'yo.

Minsan timing lang talaga.

Hindi man ngayon, pagdating ng panahon.

-------------------------

Balik-tanaw sa pangyayari sa Airport (Bulwagang paliparan ng NAIA3 - tama na po ang terminal.):

"(Intro sound) Paging the companion of a lost boy wearing khaki shorts and blue shirt. Please proceed to the Airport's admin office.... Paging the companion of a lost boy wearing khaki shorts and blue shirt. Please proceed to the Airport's admin office."

'Ano ba? Tama na! Tama na!' Sinubukan niyang takpan ang mga tenga niya pero naririnig pa rin niya. Pang-ilan na bang panawagan 'to? Hindi ba sila nagsasawa? Nakakabingi na.

Luminga-linga siya. Siguradong hindi siya mamumukhaan. Bukod sa tinanggal na niya ang wig na suot niya kanina, nasa maleta na rin ang damit at scarf na ginamit niya.

Ilang beses na ba siyang muntik nang tumayo para itanong kung nasaan ang admin office tuwing may makikita siyang guard na naglalakad sa harap ng hintayan ng mga pasahero?

Pero hindi, hindi dapat! Tapos na ang desisyon niya. Wala nang atrasan. Nangyari na. Isa pa, paano niya ipapaliwanag na iniwanan niya basta basta ang bata sa isang estranghero?

Itago na lang natin siya sa pangalang Magdalena. Oo Magdalena na napaka-sawing palad.

Tumingin siya sa orasan sa pader. Limang oras pa bago ang lipad ng eroplano niya papunta sa isang magandang bukas. Ang bago niyang pag-asa. Pero kahit anong pikit niya, sariwang-sariwa pa rin ang nangyari sa labas ng airport kanina.

................

Inggit na inggit siya sa nakita n'yang pamilyang nagpapaalaman nang dumating sila sa airport galing sa pier. Halatang masaya sila kahit may kaunting lungkot dahil magkakahiwalay. Kumpleto sila. Parang si tatay at kuya ang aalis. Naghatid si nanay, ate, bayaw, pamangkin, tita, pati lola at may isa pa.

Samantalang siya....

"Ricardo!" Napalingon siya nang tinawag ng isa sa naghatid yung isa sa paalis at may hinabol na nakabalot na regalo.

Kaibigan, katipan? Basta hindi magkapatid dahil may iba sa tinginan nila. Hindi niya narinig ang pinag-usapan nila pero biglang namula ang pisngi ng babae. May pinangako ba? Ganyan naman sila lahat. Papangakuan ka ng kung ano-ano makuha lang ang gusto.

Sinundan niya ng tingin ang mag-amang pumila na papasok sa loob, hila-hila ang mga maleta nila. Hindi pa siya puwedeng pumasok sa terminal. Siya lang ang may ticket at passport na ipinangutang lang niya. Siguradong magtatanong ang guwardiya.

Binigyan muna niya ng tinimplang gatas si Bisoy. Pinaikling Bisayang Tisoy, palayaw na binigay ng mga kapitbahay nila. Huling bote na ng gatas niya. Wala na siyang ibibigay. Masyado kasing pinalayaw ni Lola tapos saka iiwan din lang pala silang dalawa.

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon