10 - Polaroid

4.8K 423 124
                                    

Umiling si Manang Esmi, dala ang pagkain na hindi nagalaw nang lumapit si Nanay Karen sa kuwarto ni Meng.

Kumatok siya sandali at nang buksan ang pinto, napakaraming bangkang papel na nakaayos sa sahig ng kuwarto ang bumungad sa kanya, pati sa kama. Nasa gitna si Meng at tuloy pa rin sa pagtiklop, may maliliit, may malalaki.

"Ano ba Meng, harapin mo na siya please? Tatlong araw nang pabalik-balik yung tao, pinagtataguan mo. Saka ayusin mo yang mukha mo. Tingnan mo mugtong-mugto na mata mo sa kaiiyak."

"Ang unfair kasi Nay e. Bakit gano'n? Bakit kailangan niyang umalis? Bakit siya pumayag? Makakahanap naman siya ng work dito diba? Tutulungan ko siya. Kahit ako gumawa ng resume niya. Magaling akong sumulat."

Napabuntong-hininga na lang ang ina. Inusog niya ang ibang bangka at umupo sa likod ng anak at sinumulang suklayin ang buhok nito.

"Hindi ba nagiging selfish ka niyan anak? Nagdecide na siya diba? I'm sure mahirap na decision yon. Pero bilang bestfriend niya, ikaw ang nakakaalam kung ga'no niya kagusto na makasama ang papa niya."

Bigla siyang naguilty. Yung tanging time na nakita niyang umiyak si Richard ay dahil hindi natuloy pag-uwi ng Papa niya. Pero hindi pa rin natigil paghikbi niya. Unfair pa rin.

"Saka para namang hindi na kayo magkikita. Maikli lang yung 3 taon. Para namang walang facebook at phone. Nung panahon namin, mas mahirap talagang mahiwalay sa kaibigan dahil mahal ang overseas call. Pero ngayon?"

"Iba pa rin po yung nakikita ko siya, naaaya kahit anong oras para kumain. Pa'no kung may mahanap siyang ibang bestfriend do'n? Pa'no kung malimutan na niya yung bestfriend niya dito?"

Hinagod niya ang likod ng anak para aluin ito. "Matanong ko lang anak. Be honest with me. Yung friendship n'yo lang ba talaga ang mamimiss mo? Baka iba na yan, umamin ka. Magiging ganyan ka din ba kalungkot kung Kuya mo mag-aabroad?"

"Nay naman e! Nilalagyan n'yo pa ng malisya."

"Alam mo, take it from me. Kung may makilala kayong bagong mga kaibigan, well and good. At least lalawak yung mundo n'yo. Merong mga kaibigan na kahit magkahiwalay kayo, kahit matagal kayong hindi magkita at magkausap, alam mo na kaibigan mo pa rin. Tingin ko, gano'n kayo ni Richard." Sa nakikita ko, baka mas higit pa that's for you to find out later.

A/N: Mothers know best. It's Lady's Choice.

-----------------

Hindi ba puwedeng masaya lahat? Bakit kailangang may malungkot sa decision ko? Is this what being an adult is all about? At puwede ko ba talagang tanggihan si Papa e wala naman talaga kong maipagmamalaki pa? Saka tama siya, kung gusto kong mag-ipon para may pang-negosyo, mas madali kong magagawa kung sasama ako sa kanya.

Haaay, yung barkada niya excited para sa kanya. Puro pasalubong ang mga bilin. Itong bestfriend niya, hindi na siya pinansin mula nung sabihin niyang pumayag na siya at nilalakad na papers niya.

Tumingin siya sa langit saka biglang napayuko sabay bagsak ng mga balikat. Nasa bangkong kahoy siya katabi ang mga pagkaing binili niya. "Ano gagawin ko dito sa chicharon at mga siomai? Akong mag-isa uubos?"

"Hindi mo naman sinabing may dala kang suhol e. Di sana kanina pa ko lumabas."

Natatakot si Richard na mag-angat ng tingin at baka guni-guni lang niya na nagsalita si Menggay. Pero totoong kamay yung kumuha ng toothpick at tumusok sa siomai.

Ito yung isang mamimiss niya. Yung foodtrip nila dito sa bangkong kahoy nila. Galit pa kaya siya?

"O bakit naka-shades ka? Umiyak ka 'no? Patingin ng mata mo!" Pilit niyang inaabot ang shades para tanggalin pero sinangga lang ni Meng ang kamay niya. Mabuti na 'to kesa magdrama kami pareho.

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon