31 - Unang Halik

4.4K 494 119
                                    

Hinawakan ni Richard ang kamay ni Meng sabay pisil dito. Signal na siya na lang ang magsasalita para sa kanilang dalawa. "Mahal ko po si Menggay, sir. Handa ko po siyang pakasalan sa lahat ng simbahan."

Nakaalis na si Miss Minchin. Kaharap na ng dalawa ang mga inampalan. 4 silang judges. Pero malaki boto ni Tatay at Nanay.

"Richard, dialogue ko na rin yan dati sa naging biyenan ko. Maniwala ka, hindi pratikal. Alam mo ba kung magkano magpakasal ngayon? Isang simbahan lang okay na. Karen, alam mo ba 'to? Akala ko kinausap mo sila?"

"Nagpaalam naman nang maayos sa atin na manliligaw siya diba? Pero mga anak, nagulat din ako. Hindi ko alam na ganito kabilis."

"Hindi naman po talaga kami nagmamadali, kaya lang nagdecide na po kami na i-advance ang kasal dahil nga po sa issue ng pagiging foster parent kay Baste. Tutal doon din naman po ang punta namin, naisip po namin na gawin na nang maaga baka sakaling makatulong sa case niya."

Nagi-guilty si Meng, hindi siya makatingin sa mga magulang niya at hiyang-hiya siya kay Richard. Wala siyang balak sabihin yon, lumabas na lang sa bibig niya. Babawiin sana niya pag-alis ni Ms. Minchin pero laking gulat niya nang pinanindigan ni Ricardo. Ano 'tong pinasok ko?

"Alam na ba ng parents mo? Diba nasa Italy din mama mo?"

"Hindi ko pa po naipaalam pero sila lola po alam na may balak na ko. Hindi ko po kasi alam kung papayag kayo."

Tiningnan ni Tatay Bossing ang kaharap niyang 'magboyfriend.' Medyo nahimasmasan na siya mula sa pagkagulat kanina. Akala niya gawa-gawa lang ni Meng para mapaniwala yung social worker pero wala siyang makitang pag-aalinlangan sa mata ng binatang kaharap niya.

Kay Menggay pa siguro. Dahil ang alam niya at narinig niya galing sa asawa niya, ayaw nitong mag-asawa. Ni magboyfriend nga ayaw, si Baste lang daw sapat na. Tapos dumating lang 'tong tukmol na 'to nagbago na isip? Baka naman hinintay lang talaga? Handa na ba siyang pakawalan ang anak nila? Sabagay, ano ba ang maiiba e mahigit nang isang taong nakahiwalay sa kanila? At with conviction ang pagsabi na engaged na siya kanina. Walang kagatol-gatol.

"Menggay."

"Tay."

Please Tay, huwag n'yo na kong paglubidin ng isasagot ko. Huwag n'yo pong hirapan ang tanong.

"Isa lang ang tanong ko dahil nasa edad na rin naman kayo. Akala ko ba e ayaw mong mag-asawa. Anyare?"

Nanlalamig siya pero kailangang niyang suportahan si Richard. Naramdaman niyang humigpit ang hawak sa kamay niya. This is the least I can do. Ako may pakana nito.

"Aaminin ko pong may hesitations pa rin po pero ilang linggo ko na din pong pinag-iisipan mula nung bumalik siya. Pero ayaw ko naman pong ipagkait kay Baste na magkaroon ng buong pamilya." Jusko, tama ba mga pinagsasabi ko? Lord hindi naman po ako nagsisinungaling sa sagot ko diba? Para naman po talaga kay Baste 'to.

"Mawalang galang na Richard ha? Hindi sa kinukuwestiyon ko ang motibo mo. Pero Meng, sigurado ka na ba sa kanya? Hindi trial and error ang kasal. Hindi yan parang Financial Statement na puwede kang magtrial balance. Hindi biro itong papasukin n'yo."

"Opo Tay, matagal na rin naman po kaming magkaibigan ni Richard. Kung may nakakakilala po sa 'kin bukod sa pamilya natin, siya po yun."

For the first time, inangat niya ang mata niya at tiningnan si Richard. "Saka kung meron po akong sigurado, yun e mahal niya ko. Yun naman po ang bilin n'yo diba?"

"Maiba ko, baka naman kaya nagmamadali kayo e, alam n'yo na. Mapupusok ang mga kabataan ngayon. Baka mamaya n'yan, may kapatid na si Baste after 7 months. Sabihin n'yo na habang maaga."

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Where stories live. Discover now