[21] {Part 3} First Love Never Dies ♥

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayun. Habang wala pa si Miss, asaran yung tatlo dun. After 5 minutes, tumayo ako sa kina-uupuan ko at papalabas na sana ng room ng........

'Sammy! San ka pupunta?'

'Sa faculty. Susunduin si Miss Santiago.'

'Ha? Wag na! Tska, bawal kang mapagod! Tska birthday mo ngayon! Dapat diyan ka lang sa upuan mo at walang alalahanin.'

'Eh sinong tatawag kay miss?'

'Sina Richard na at Ania!'

'Ha?! Anong kami?' sabay namang sagot nung dalawa.

Parang tinignan naman ni Joe silang dalawa ng isang look na may meaning pero di ko alam kung ano.

'Oo nga Sam! Kami na tatawag! Lika na nga Ania!'

'T-teka! Isama natin sila Sarah at Bryan!'

'Ha? Bakit pa sila sasama? Ang dami niyo na!'

'Hindi! O-okay lang Sam! Nakalimutan ko, may sasabihin pala ako kay Ms. Lascano na importante!'

'Sasamahan ko siya. Baka madekwat ng iba!'

Zane, Ranz, Daniel: Kami rin! Sasabay na kami! May sasabihin daw samin si Sir A!

'Ha? Parang ang dami niyo naman?'

Silang lahat: Sige Sam! Punta lang kaming faculty ah!

'O-okay..'

Grabe. Ilan ding sila pupunta ah! Pito! Pero parang may something akong nase-sense!

After 3 minutes, bumalik si Ania at Javier.

'Ann, Via, Katerine, Jane, Dianne, Mary, Ellyza, Patricia at Jessa! Pinapatawag kayo ni Miss Mendoza!' sabi ni Ania.

'Ha? Bakit ang dami naman?'

'Cheerleading Squad.'

Umalis naman yung mga babae.

'John, Erl, Lanz, George, Jared, Tom at Clyde.' tawag ni Javier.

'Saan kayo pupunta?'

'Excuse ko muna sila Sam, pagbubuhatin lang kami ng mga gamit. Sabi ng mga teachers.'

'Ah... Okay. Balik agad ah!'

Silang lahat: Yes!

Hayy.... Wala na sa kalahati ang bilang namin dito sa room. 8 na nga lang kami dito eh! Ako, si Joe, si Clarisse, si Reimond, si Ashley, si Hannah, si Clyde at si Josh.

Dumating na sina Sarah at Bryan.

'Sam, pwede ko bang i-excuse sila Ashley, Clyde at Hannah?' sabi ni Sarah

'Bakit?'

'Club. Journalism.'

'Ah. Yun ba? Sige.'

'Sam, sabi ni Mr. Allen, kakausapin daw niya sina Josh, Clarisse at Reimond.' sabi ni Bryan.

'Sige. Eh ikaw Bryan? San ka pupunta?'

'Ako? A-ano....... May pinapautos pa sa'kin si Mrs. Perez eh. Sige una na ako.'

'O...kay..'

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon