Chapter 3
An Interesting Request
Gaya ng inaasahan ni Rowan, pagpasok niya ng classroom kinabukasan, may kape na naman sa kanyang mesa, ngunit wala nang kasamang sulat. Kinapa niya ang iniwang papel sa ilalim ng upuan kahapon pero wala na rin iyon.
Now, the person doing it truly got him curious.
Time flew by, and before he knew it, his classes were already over. He went home, got changed, then headed out to his appointment.
Kasalukuyan siyang naglalakad sa kalyeng patungo sa Ferell U. Hiniling kasi ni Sabrina na gamitin muna nila ang kotse nito ngayong araw, kaya hindi na siya nag-abala na kunin pa ang motor na ilang beses na rin niyang ginamit para sunduin ito.
Ilang hakbang na lang ang layo niya sa gate ng unibersidad nang biglang lumipad ang ilang piraso ng papel sa daraanan niya—ang isa, dumapo at dumikit sa mukha niya. He was about to peel the paper off his face when a hand suddenly snatched it away.
Isang hinihingal na babae ang yumukod at nagmamadaling dumampot sa mga nagkalat na papel sa sidewalk. Tutulungan na sana ito ni Rowan nang bigla na lang itong napatigil sa kinatatayuan.
Tapos na pala nitong pulutin ang mga nilipad na papel pero nanatili pa ring nakatayo sa harapan niya, titig na titig sa kanya ngunit blangko ang ekspresyon sa mukha.
Napaatras siya ng isang hakbang nang bigla na lang nitong itinaas ang kamay, na para bang balak haplusin ang pisngi niya.
"May papel na sumabit sa hoodie ng jacket mo." Saka nito mabilis na hinablot ang tinutukoy malapit sa leeg niya.
Rowan was genuinely taken aback by her. She was the second person who had ever made him feel wary of a woman's touch—so much that he could hear his own heart pounding from that single gesture.
Iyon lang ang huling sinabi nito bago naglakad papasok sa gate ng unibersidad.
She was the same girl he had spotted yesterday, the one standing by the gate who looked oddly familiar. Who was she?
Pinakalma ni Rowan ang sarili bago nagpatuloy sa paghakbang papasok sa F.U. Sigurado siyang mawawala rin sa isip niya ang kuryosidad na kilalanin kung sino ang babae. Si Sabrina lang dapat ang nag-iisang laman ng isip niya ngayon.
"Stop it, Justin. Tapos na tayo!"
"Wala kang karapatang umayaw. Ako lang ang magsasabi kung kailan tayo pwedeng matapos."
Iyon ang eksenang nadatnan niya nang makarating sa parking area. Agad niya silang nilapitan at marahas na kinalas ang kamay ng lalaki na mariing nakakapit sa braso ng kinikilala niyang girlfriend. Nasilip pa niyang naluluha na ang mga mata ni Sabrina bago niya ito ipinuwesto sa likuran niya.
"Don't worry. I'm here." Saka niya naramdaman ang mahigpit na pagkapit nito sa laylayan ng suot niyang jacket.
"Mas pipiliin mo pa 'yang gagong 'yan kaysa sa'kin?" galit na singhal sa kanila ni Justin—ang ex ni Sabrina. "I'll give you a reason to change your mind."
Dahil sa biglaang kilos nito, hindi na naiwasan ni Rowan ang suntok na tumama sa panga niya. He staggered back.
Masyadong agresibo ang kaharap kumpara sa mga ex ng mga naging kliyente niya noon.
"R-Rowan," nag-aalalang hinaplos ni Sabrina ang parte kung saan siya tinamaan. Lalong dumami ang mga butil ng luha sa mga mata nito.
It had been years since Rowan chose to stop involving himself in fights. Dahil sa sobrang tagal nang hindi nasasangkot sa gulo, bumagal na ang reflexes niya.
YOU ARE READING
Part-time Boyfriend (Revised Edition)
General FictionThe day he found love was also the day he lost it. First Written: Nov 13, 2017 Self Published: 2018 Revised: Sep 2025
