Chapter 2

4.1K 188 54
                                        

Chapter 2

Love's Complexity


Alas-singko na ng umaga nang iwan ni Rowan si Madeline na mahimbing pa rin ang tulog. Iniwan din niya ang kalahati ng ibinayad nito dahil ang usapan nila, anim na oras silang magkasama sa fundraiser party, isang bagay na hindi niya natupad.

  Mabilis siyang nakauwi sa apartment at nag-ayos ng sarili. His job might have just ended, but his day was only beginning. After getting ready, he went straight to the university. Madalas siyang pumasok nang walang tulog kaya hindi na bago sa kanya ang gano'ng sitwasyon. Hanggang tanghali lang din naman ang klase niya sa araw na iyon, kaya sigurado siyang kakayanin niya.

  Humihikab-hikab siyang naglakad sa pasilyo hanggang marating niya ang classroom para sa una niyang subject. He never would have predicted that this morning would turn out differently.

  Napakunot ang noo niya nang maabutan ang isang plastic cup sa mesa niya. Tinanggal niya ang takip at nakitang kape ang laman niyon. It was still steaming.

  Nagpalingon-lingon siya sa paligid at sumilip pa sa pinto pero wala siyang nakitang kahit sino. Pagbalik sa upuan, saka lang niya napansin ang sticky note na nakadikit sa cup.

  It must have been a long night for you, Rowan.

  Humigop siya ng mainit na kape habang sinusuri ang handwriting ng kung sinong nagsulat ng mensahe. Imposibleng isa sa mga kliyente niya ang nag-iwan niyon. Lagi niyang sinisigurado na wala silang makakalap na anumang personal na impormasyon na pwede nilang gamitin para hanapin siya o malaman kung sino siya. He had been able to effectively hide his real identity for years.

•••

You still there?

 Napukaw ng notification galing sa Messenger ang malalim na pag-iisip ni Rowan. Ilang oras na mula nang matanggap niya ang misteryosong papel pero hindi pa rin iyon maalis sa isip niya

  Yes, I'm still here. 'Yon lang ba ang gusto mong ipagawa sa'kin?

  Kasalukuyan niyang kausap ang isang bagong kliyente na ni-refer ni Madeline.

  Oo, pero gusto kong hati-hatiin ang oras. Instead of the full 6 hours in one day, let's make it one hour a day until the whole 6 hours is used up. I'll pay extra for the hassle.

  Kadalasan, ang mga babaeng humihingi ng serbisyo niya ay may kaya at galing sa kilalang pamilya. Ni minsan hindi naging problema sa kanila ang presyo.

  Sure, it's not gonna be an issue.

  Hindi na niya pinag-isipan ang nabasa. Hindi naman kasi komplikado ang request nito.

  Are you somewhere alone? Are you in your room? What's the color of your shirt?

  Sunod-sunod na mga tanong nito, na sandaling ipinagtaka ni Rowan bago sinagot.

  Yes, I am. I'm wearing a gray shirt.

  Good. I need assurance. Masyadong too good to be true ang mga picture mo sa Facebook. I'm thinking it's not really you.

  Napasandal siya sa kinauupuan. Mukhang alam na niya kung anong assurance ang hihilingin nito, kaya bago pa man makapag-type ulit ang kausap, nauna na siyang mag-send ng picture na kinunan niya ngayon gamit ang laptop camera.

  So, you really are the real deal! Sinabi naman na sa'kin ni Maddi na totoong gwapo ka pero ang hirap kasing paniwalaan na ganito ang trabaho ng isang gaya mo. Kung trabaho nga ba 'tong matatawag? What's your reason?

Part-time Boyfriend (Revised Edition)Where stories live. Discover now