"S-sure." Fuck! Kung ano-ano ang naiisip niya. Kung nakakabuntis siguro ang pagpapantasya baka nabuntis na niya ang babaeng ito.

"Calm down, fucker!" Kastigo niya sa alaga niyang buhay na buhay na ngayon sa loob ng kanyang briefs.

Tumakbo si Geallan sa nakasaradong pinto. Since ito lang naman ang pinto sa loob ng cabin niya so she assumed that it was the bathroom.

Sumunod siya kay Geallan. Buong paghangang nakatingin sa Jacuzzi, pinadaanan ang gilid niyon ng mga daliri na para ba iyong isang mamahaling bagay na maingat na hinahaplos. Ibinaling nito ang tingin sa kanya.

"Sobrang ganda ng kwarto mo. Alam mo bang malaki pa ang cabin mo sa buong bahay namin. As in malaki!" Marahan siyang natawa. He stepped aside, allowing Geallan to walk past him.

"Pangarap kong magtrabaho sa isang cruise ship. Malaki raw kasi sweldo. May ideya ka ba kung magkano ang sweldo sa barko?" Tinungo nito ang maliit na bintana ng cabina at sumilip roon.

"Depende sa posisyon mo at kompanya. The average salary of housekeeping is around 1,500 to 3,500 dollar per month." Geallan spun around on her heel with priceless expression, causing him to chuckle. Para itong nakatanggap ng magandang balita.

"Talaga!? As in?" Nakangiti siyang tumango.

"Ano ba ang tinapos mo?" Ang excitement sa mukha nito ay napalitan ng kawalang pag-asa.

"Wala, eh!" Tinungo nito ang bedside table at kinuha ang alarm clock. Curious na tiningnan ang ilalim niyon nang mawaring may magnet iyon at hinaplos ang ilalim. Sadyang magnetic ang ilang gamit niya rito to hold them in place kapag maalon.

"High school lang. Pero nagtrabaho naman ako sa isang resort noon bilang house keeping. Kaso nga lang umalis din ako agad. May sinapak akong guest, eh. Ang bastos eh!" Ibinalik nito ang alarm clock sa kinalalagyan. Umupo itong muli sa gilid ng kama, hinaplos ng dalawang palad ang grey sheet.

Bigla na lang nitong ibinagsak ang katawan sa kama habang nakataas ang dalawang braso sa uluhan at ipinikit ang mata.

"Ang sarap sa likod!" Ungol nito.

Dock couldn't help but stared at Geallan and take in every inch of her delicate frame, from her sun-kissed skin, to her thin, appealing lips, and to her ample breasts. Here he goes again! Experiencing the familiar desire. The sight of her sent an icy chill through him, making his dick lurched involuntary. He released a heavy huff, trying to diminish his uncontrollable sudden arousal.

Nilingon niya ang cell phone na nasa ibabaw ng bedside table nang mag-ingay iyon. May signal naman dito dahil malapit lang din sila sa isla. Kinuha iyon at nang makitang si Princess lang ang tumatawag ay hindi na niya pinagkaabalahang sagutin. In-off niya ang cellphone at ibinalik sa magnetic holder.

Princess was his ex-girlfriend. Ang kulit nito at mukhang nakalimot na sa rules niya. The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. Hindi lalagpas sa isang buwan ay tinatapos na niya ang relasyon, at alam ng mga nakakarelasyon niya ang bagay na iyon. Kaya kung bibilangin ang naging girlfriend niya ay kulang ang lahat ng daliri mayroon ang isang tao.

Karamihan sa mga babaeng nakarelasyon niya ay nakikiusap na huwag muna nilang tapusin ang relasyon pero hindi niya pinapahintulutan. Mas lalo niyang hindi ini-extend ang pakikipagrelasyon kapag ganoon na ang demand ng mga babae. Hindi niya gustong makasakit, kaya nga bago siya pumasok sa isang relasyon ay ipinapaalam niya sa mga ito ang one-month rule niya. Nasa mga ito kung papayag sila o hindi. Once na matapos ang isang buwang relasyon ay hindi na siya ulit pa nakikipag-ugnayan sa mga ito.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon