"Hin—" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil gutom na ako.

"Sige ka! Pag ako namatay, mamamatay rin si spiderman,si superman at especially si mickey mouse na palagi mong pinapanood," pananakot ko kay ate.

"Hala? Talaga?" natatarantang tanong niya.

Tumango naman ako.

"Sige! Dalhin mo na iyong gusto mo! Ako na magbabayad!" she said.

Napangiti naman ako, pft hahaha.

Agad akong kumuha ng pagkain at kinain ito.

"Hoy! May nagaaway daw sa court!" rinig kong sabi ni ate girl.

Agad akong pumunta sa court. Nakita ko naman si kuyang baliw at ‘yong isa pa na may hikaw, nagsusuntukan sila.

"BOXING LIVE!" masayang sigaw ko.

First time kong makakapanood nito!

Agad kong pinatabi ang mga tao at tawa lang sila nang tawa!

Pumunta ako sa may gilid nila kuyang baliw kaya napatigil sila sa pag susuntokan. Inalis ko ang tsinelas ko at inupuan ito

"Sige kuya, ipanalo mo iyan nakapusta ako saiyo" nakangiting sabi ko.

Nakatulala lang sila sa akin.

Binuksan ko ang nova ko at sinimulang kainin ito.

"WHOAAAA, BOXING!" sigaw ko pa.

"Hahaha, stupid talaga,"

"Stupid,"

"Pfff, napaka inosente niya,"

"Hahaha, tanga." rinig ko sabi nila.

"Thank you," nakangiting sabi ko.

Hindi ba nila alam na ang meaning para sa akin ng stupid ay...

S-PECIAL
T-ALENTED
U-UNDERSTANDING
P-RETTY
I-NDEPENDENT
D-ILIGENT

Oh! Diba ^_^

Nag alisan sila kaya naiwan akong mag isa! Tumayo na ako at sinuot ang tsinelas ko, napatingin naman ako sa gitna ng court.

"Ano kaya iyon?" tanong ko sa sarili ko.

Agad kong nilapitan ang isang bagay na nakita ko.

"Wow," manghang sabi ko nang makita ang isang kwentas.

Agad ko itong kinuha.

Isang silver necklace na may butterfly pendant.

"Aha! Isasanla kita" masayang saad ko at agad na umalis.

Stupid Innocent  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon