CHAPTER#10

1.4K 56 11
                                    

-KHIA POV-

Nakahiga lang ako sa lap si Prinsepe dito sa sofa, hihihi.

"Khia, gising kana?" tanong niya.

"Tulog pa ako," sagot ko.

"Hahaha, may tulog kayang gising?" tawang tanong niya.

May tulog na gising?hala gusto kong makakita no'n!

Agad akong tumayo at tumingin kay Shark.

"Tara Shark, hanap tayong tulog na gising," masayang yaya ko.

"What the hell,stupid!" Inis na saad ni kuyang baliw.

"Khia naman,"

Napapout na lang ako.

Kagabi sila lumipat dito sa bahay, hehehe. Ang masaya sila ang gumagastos atsaka every week bibigyan nila ako ng pera.

^_^

Hulog sila ng puno sa akin!

"Anong mukha iyan, Khia?" tanong ni Jei.

Nginitian ko lang siya at kinuha ko na iyong mga gamit kasi manggagawa kami ng project.

Nilagay ko na sa sahig ang gamit at naghalungbaba sa maliit na mesa.

"Paano na iyan?" naiiyak na bulaslas ko.

"Bakit?" tanong ni Ram.

"Hindi ako marunong magdrawing," I said.

"Hahaha, ako na magdadrawing." nakangiting saad ni Shark.

"TALAGA?"

Nabigla na lang ako ng biglang binatokan ni Ram si Shark.

"Hindi 'yan marunong magdrawing, Khia."

"Paano na?" malungkot na tanong ko.

"Ako na lang darna," rinig kong saad ni Jei.

"Talaga?" tanong ko.

"Oo," nakangiting sagot niya.

"Tsk,"

"YEHEY!" masayang sigaw ko.

Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Sila na ang bahala dahil makikipagkita ako sa mga Bessy ko.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa motor na papunta sa akin.

Aba, ang ganda ng outfit nila. ^_^

Pinara ko ang motor dahilan para tumigil sila.

"Anong kailangan mo, Ms?" tanong ni kuyang nakablack.

"Pasabit naman ako kuya, diyan lang ako tatapak sa may daluyan ng usok, hehehe" masiglang sabi ko.

Bigla na lang nila akong tinapatan sa noo ng baril.

"Holdap to Ms, akin na ang pera mo!" kuyang nakaitim said.

"Si kuya naman,kaya nga ako nakisabit diba?para libre. Naku naman, iyong limang piso ko babawasan niyo pa, hays." dismayadong bulaslas ko.

Nakanganga lang sila sa akin.

Kinuha ko iyong isa kong hikaw at sinubo kay kuyang nakanganga.

"Ayan! Saiyo na 'yan! Five pesos din iyan kuya binili ko diyan sa may kanto." inis na sabi ko.

Stupid Innocent  PrincessWhere stories live. Discover now