CHAPTER#3

1.8K 74 6
                                    

~KHIA POV~

"Khia, nasaan ang mga magulang mo?" tanong ni aling Niha.

"Naglalaba po," sagot ko habang nagpatuloy sa pagkain.

"Bwesit kang bata ka! Saan?" Inis na tanong ni aling Niha.

"Sa kanal po," simpleng sagot ko.

Tapos na akong kumain kaya tinapon ko na ang plato ko sa labas.

Rinig ko pa ang sigaw ni aling Niha, pero hindi ko na pinansin kasi hilig naman nya iyon. ^_^

Naghanda na ako sa pag pasok, pagkatapos ko naman ay agad akong naglakad papuntang skwelahan.

Payapa naman akong nakarating sa room at pag pasok ko nandoon na si Ma'am, nagtatawag.

"MA'AM!" sigaw ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

"BAKIT?" sigaw pabalik ni Ma'am.

"Papasok na ako Ma'am ha?" paalam ko.

"Hahaha," pagtawa nila.

"Dalian mo na," Ma'am said.

Agad akong tumakbo papuntang upuan ko. Akmang uupo na sana ako pero biglang may sinabi si Ma'am na shark.

"WHAAAA!SHARK!" sigaw ko at agad na tumakbo paalis sa room.

Huhuhu, may shark daw. T_T

~PRINCE POV~

Shit! Mamatay talaga ako nito sa katatawa, hahaha.

"Biruin niyo ‘yon tinawag niya akong shark?" nakatulalang saad ni Clark.

"Pfff, hahaha. Akala niya shark iyong Clark,"

"Grabe, hahaha." pag tawa ni Ram.

Nakangiting napailing na lang ako, hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa kay Imperial, pft.

~KHIA POV~

Gusto ko ng tubig!

Tumakbo ako papuntang canteen nang makita ko si ate na iinomin iyong tubig.

"Whaaa, akin na lang ‘yan!" sabi ko.

Mabilis kong inagaw iyong tubig ni ate at ininom ito.

Nakatulala lang siya sa akin kaya naman nginitian ko siya at ibinalik iyong tubig niya.

Agad akong pumunta kay ate tindera.

"HOY!" sigaw ko kay ate tindera.

"Oh, nandito ka pala, Khia." she said.

"Ate tindera pautang ha?bukas na lang kita babayaran pag nakapulot ako ng pera," I said.

Stupid Innocent  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon