CHAPTER#1

2.9K 83 7
                                    

~KHIA POV~

"KHIAAAAAA!" agad akong napabangon dahil sa isang maliit na tinig na narinig ko.

"Bakit po ang hina ng boses n‘yo?"   Inosenteng tanong ko kay aling niha

"ABA! BWESIT NA BATA KA! NASAAN NA ANG BAYAD MO SA RENTA?" bulong ni aling Niha.

"Bayag? kadiri ka naman aling Niha," singhal ko.

(Bayag means ari din po siya ng lalaki, hahaha.)

Agad niya naman akong sinamaan nang tingin, siya na nga ‘yong kadiri tapos ako pa ang malalagot, whaa!

"BWESIT NA BATA! AKIN NA!" Inis na bulong ulit ni aling Niha.

"Eh, wala po ako nung tinutukoy niyo, alam niyo naman pong babae ako," magalang na sagot ko.

Totoo naman diba?

"BAHALA KA NA NGA!" namumulang saad ni aling Niha at tuluyan nang umalis.

"Aba si aling Niha luma-lovelife na, nagbablush." nakangiting bulaslas ko

Tumayo ako at nag lakad papuntang cr, pagkarating ko ay agad naman akong naghilamos.

Ako si Khia Hailey Imperial, isang simpleng tao lang, hehehe.

Ilang minuto naman ang lumipas at natapos na ako sa paghahanda  para pumasok sa paaralan.

"ALING NIHA, ALIS NA PO AKO." sigaw ko

"UMALIS KA KUNG GUSTO MO!" bulong niya

Napailing na lang ako, bakit kaya ang hilig bumulong ni aling Niha? paos kaya siya?

Naglakad na lamang ako papuntang school dahil malapit lang naman ‘to sa inuupahan ko. Agad naman akong  napatigil dahil sa pisong nasa harapan ko.

"Aha! pag nga naman sinuswerte oh!" masayang saad ko.

Agad kong pinulot ang piso at nilagay sa bulsa ko, ngayon ay 25 na ang baon ko.

Hays, 25 na lang dahil ubos na ang budget ko! Buhay mahirap nga naman oh, medyo mahirap makaraos.

Muli akong naglakad ngunit...

"WHAAAAA!" sigaw ko

Agad na bumagsak ang mga librong hawak ko!

"Shit! Stupid," someone said.

"May hello kitty, bwahahaha. " someone laughed.

"WHAAAAA! MAY RABBIT!" someone shouted.

Agad akong napatingin sa kanila.

"WHAAAA! ANG GWAPO PERO ‘YONG RABBIT KOOOOO! WAWA, BUMALIK KA DITO!" sigaw ko din.

"Hahaha, Oo. Wawa ka nga," agad akong napatingin sa lalaking nagsalita.

Mukha siyang abnormal bakit may itim siya sa baba ng mata?

"Hoy, kuyang may itim sa baba ng mata! WAWA ang pangalan nung rabbit ko." Inis na sabi ko na ikinatigil niya sa pag tawa.

Stupid Innocent  PrincessWhere stories live. Discover now