CHAPTER#7

1.6K 55 5
                                    

-KHIA POV-

Ang bigat naman ni kuyang bakla.

"Tahan na darna," natatarantang sabi sa akin ni Jei.

Sabi niya kasi, kung ako daw talaga si darna dapat kaya ko siyang buhatin. T_T

Wawa help me!

"Wawa inaway niya ako, kainin mo siya." sumbong ko kay Wawa.

Bigla namang lumuhod sa harap ko si Jei.

"Sorry na please," he said.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at curious na nakatingin sa kaniya.

"Nagdadasal ka ba?" Inosenteng tanong ko.

Nakaluhod kasi siya tapos ‘yong kamay niya naka—

"BWAHAHAHAHAHAHA" agad kaming napatingin sa bigla na lang tumawa.

Si kuya Shark na kasama si kuya Prinsepe tapos si kuyang baliw^_^

Agad na tumayo si Jei kaya naman tumakbo ako papunta sa likoran ni kuyang baliw.

"Anong ginagawa mo?" Inis na tanong niya.

"Ay, ang aga aga high blood ka na agad kuyang baliw! Kumain ka siguro ng ipis ano?!" I said

"Pft, hahaha" tawa ni Shark.

Ngayon lang talaga ako nakaranas ng pating na tumatawa. T_T

Triangle na nga talaga ang mundo, huhuhu.

"Stupid" kuyang baliw said.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil busy ako sa pagpupunas ng luha ko gamit ang damit niya

Hehehe, ang bango niya!

"Oh? mga tol kamusta?" rinig kong sabi ni Jei.

Magkakilala kaya sila?

"Long time no see, Tol" Prinsepe said.

"Shit! Pwede ba tama na ‘yan?" kuyang baliw said.

"Magkano bili mo sa damit mo?" tanong ko.

"Kahit magtanong ka pa,hindi mo rin iyan mabibili kasi mahirap ka lang." he said.

Ang sama niya...

Agad akong tumakbo palayo sa kanila, bakit parang bumibigat ang dibdib ko? Wala naman akong pinatong, hays.

"Nandito na ang stupid girl ng taon." Queene said

"Queene gusto mo nito?" turo ko sa pagkain ni Wawa.

"Argg!stupid!" Inis na sabi niya sabay alis sa harapan ko.

Napangiti na lang ako at umupo na sa upuan ko.

Tsismisan lang sila nang tsismisan habang ako'y naglalaro ng kamay ko, sandali pa ang lumipas pero wala pa rin si Ma'am.

Wala namang klase ata kaya napagpasiyahan ko na lang na umalis at pumunta sa canteen para makipag usap kay ate tindera.

"HOY ATE!" sigaw ko.

"Ay," gulat na bulaslas niya.

Naggunting sign lang naman ako.

"Bakit, Khia?" tanong niya.

"Ate tindera ano ba iyong love?nakakain ba iyon?" pagtatanong ko.

"Hindi, Khia." she answered.

"Ano po iyon?" tanong ko.

Madalas ko kasing naririnig iyon eh.

Stupid Innocent  PrincessWhere stories live. Discover now