Chapter X: Changes

496 17 7
                                    

"You came to me wanting more than just friendship.. You made me fall in love with you.. Then you decide you don't know how u feel.. I should of known Better." - Status Shuffle

Chapter X

Jo’s POV

Sa Pasig depot na ako pumapasok ngayon. Medyo nakapag adjust na din ako sa bagong environment ko. Pero madalas pa din akong tumawag kay Yel para humingi ng advice kapag nagkakaproblema sa Operation.

After nung pag uusap naming nung last night ko sa Laguna, di na ulit nabuksan ang topic na yun. Ayoko na rin pag usapan. Natatakot ako sa mga reaction ni Yel. In a way natutuwa ako dahil nagbago na ang direction nya when it comes to our relationship. At first kasi, hesitant sya. Natatakot syang malaman ng iba ang tungkol sa amin dahil ayaw nyang masaktan family nya. Yung sasabihin ng ibang tao. Sya ang unang nag sabi nung usapan na kapag na-meet na naming ang lalaking para sa amin, just be honest and then we will set each other free.

Hindi ko alam na mababago yun. Bigla akong kinabahan dahil hindi ako handa sa mga sinasabi nya. Wala sa plano ko ang mag out. Hindi ko pa ma-imagine ang sarili kong umamin sa lahat.

==========================================================================

4th year anniversary namin. Hindi man lang kami nagkita. Tumapat kasi sa weekday kaya yun. Busy sya sa work. Wala naman akong magawa. Hindi ko rin pwedeng iwan ang work ko.

“Happy anniversary…” bati ko kay Yel, magkausap kami ngayon, patulog na sya nung tawagan ko sya. Kadarating ko lang sa bahay ngayon.

“hhmmm…” sagot naman nya. At di na sya sumagot. Nakatulog na sya.

Marami nang nagbago sa amin ni Yel. Hindi na sya madalas mag text o tumawag. Ang tanging communication namin ay work. Sya kasi direct boss ko kaya lagi din kaming magkausap. Minsan nga, dahil namimiss ko na sya, habang magkausap kami regarding work ay nilalambing ko sya.

“Para di ma-late yung Closure Report mo, yan na lang unahin mong gawin pag pasok mo. Kung ang problema mo ay yung naka Preventive Maintenance na mga truck, tawagan mo si Williard at ipa-dictate mo na lang yung mga kailangan mong data. Ayoko nang makatanggap ng email from them na late ang Closure Report ng Pasig ha.” Mahaba at seryosong instruction ni Yel sa akin. Mukhang mainit na naman ang ulo.

“Hhhmm…. Talaga? Bakit ang sungit ng baby ko ngayon ha?” malambing kong sagot sa kanya. Namiss kong maglambing. At one month na din kaming di nagkikita.

“Jo ano ba?!” naiinis na sabi ni Yel. “Seryoso sinasabi ko. Ayoko  nang makatanggap ng email na late na naman report ng Pasig.” Medyo mataas na ang boses nya. Alam kong naiinis na ito.

“Yes Ma’am. Hindi na po late ang mga report ko.” Sumeryoso na rin ako ng sagot. Sya na nga nilalambing sya pa masungit. Tss.

Yel’s POV

Time flies. Maraming nangyari. Nag resign si Jo. Pinigilan sya ng HR pero nakapag decide na sya. Maraming factors kung bakit sya nag resign. Una, yung pressure ng work. Hindi nya kinaya yung pressure at kung gano ka-demanding ng naging bagong position nya. Nung sinabi nya sa aking hindi na nya kaya, naintindihan ko sya. At sinuportahan ko naman sya sa naging desisyon nya.

Panagalawa siguro ay yung pressure sa relationship naming. Madalas kasi kaming mag away regarding sa work eh. Alam kong naiintindihan nya yung side ko pero alam ko din na nasasaktan din sya sa tuwing mag aaway kami ng dahil sa work.

At ang pinaka main reason? Nagkaron ng hearsay na may relationship daw kami. Na-handle naman naming ng tama at tinawanan lang yun. No one is brave enough to ask if the rumor is true. Dahil wala din naman naniniwala. Dahil na rin siguro alam ng maraming imposibleng maging kami. Dahil na rin kay Anne. She’s my college best friend. At kung may nakakakilala sa akin sa company, sya yun. Nakakalungkot lang na hindi ko magawang maamin sa kanya ang totoo.

Sa ngayon, sa Taguig na nag wowork si Jo. Okay naman at mukhang nag eenjoy sya sab ago nyang trabaho.

Ako naman, sa Pampanga na naka assign. Bagong adjustment pero okay naman. Naging Head na rin ako ng Operation namin. Mas naging malaki ang responsibility dahil after a few months, inilipat ang boss ko sa ibang department at ako ang naging Acting Operations Manager.

Paminsan minsan na lang din kami kung mag kita. Usually, kapag Sunday, magkikita kami sa terminal ng bus kung saan ako sumasakay papuntang Pampanga then mag lunch muna kami sa malapit na kainan dun, tapos, ihahatid nya ko pasakay sa bus. Yun na lang naging bonding namin. Mas lalo akong naging busy sa work at ganun din sya. Mas nag e-excel sya ngayon sa bago nyang work. At masaya naman ako sa para sa kanya.

Mula nung last conversation naming sa Laguna, inaamin ko, na- disappoint ako. Parang gumuho lahat ng pangarap ko with her. I keep my self-busy para di ko maalala yung mga salitang narinig ko mula sa kanya. Dumating pa ako sa point na ilang araw na di ako magtetext o tawag sa kanya. Masakit. At alam kong nasasaktan ko din sya. Pero wala na. Gusto ko nang sumuko. Inaamin kong hinihintay ko na lang na sya ang unang sumuko.

Ilang buwan pa ang lumipas. Na-bored na ako ng tuluyan sa relationship naming ni Jo. Alam kong nakakasanayan na rin nya ang set up naming ngayon.

I know I’m not getting any younger. May pressure din ako from my family. Everybody’s asking kung kelan ako mag aasawa. Ang hirap. Ang hirap ng ganitong pakiramdam na alam kong maraming umaasa at nag eexpect na makapag asawa ako.

I admit, I’m confused right now. Hindi ko alam kung ano ba gusto ko.

Si Jo? Alam kong minahal ko sya. Alam kong totoo lahat ng naramdaman ko sa kanya. Kaya nga sobrang nadissapoint ako sa mga sinabi nya sa akin. Si Jo ang nagpa realize sa akin na pwede pala akong magmahal ng kapwa ko babae. Sa panahong akala ko, I’m straight like a ruler.

On the other hand, gusto ko din magkaron ng isang normal na family. Yun naman talaga ang dream ko eversince. Nabago lang yun nung lumalim ng lumalim ang pagmamahal ko kay Jo.

Minahal ko sya to the point na handa akong mag work sa ibang bansa para lang makasama sya ng malaya. To the point na maisip kong mag out sa family ko. Para maging malaya. Ang hirap din kais ng situation naming dahil kaming dalawa lang talaga ang nakakaalam ng tungkol sa amin.

Dumating na din siguro ako sa point na nakakasawa na. Nakakasawa nang magtago. Nakakasawa nang magmahal ng patago. Nakakasawang mag lambing ng patago.

- emptysweethanger

There's No Easy Way To Break Somebody's HeartWhere stories live. Discover now