Chapter II: Pure Work/Breaking the wall

915 26 19
                                    

It's hard to care for a person when you know that one more step forward will make you fall inlove and one step back ruins your friendship. - Jen Valde 

Chapter II

Just another day at the office. Mag isa na lang ako dito dahil nasa Batangas na si Anne, ang bagong Transport Supervisor namin. Ako na lang mag isa nag ooffice dito sa Operation Center. Madalas akong lumipat sa kabilang building kung saan dun nag ooffice ang Operations Manager at Billing Asst. namin. Busy ako sa report na ginagawa ko ng biglang tumawag sa landline si Rose, ang billing asst.namin. Pinapatawag daw ako ni OM. Hindi ko alam kung kakabahan ako o matutuwa dahil pupunta na naman ako sa kabilang bldg. Matutuwa dahil may makakausap na ko bukod sa mga tumatawag sa landline. Kinakabahan dahil bihira naman akong ipatawag ni OM, madalas tinatawagan lang nya ko sa cellphone. So pag dating ko sa kabilang bldg., nandun pala ang General Manager at Safety Officer namin. At kinabahan na nga ako ng tuluyan. Sa 3 months ko bilang Operations Staff, nasanay lang ako na si OM at SO ang nakakausap at nakaksama ko. Pero si GM? Naku, bihira lang, twice a month lang. Pumasok ako sa conference room kung saan nandun sila at hinihintay ako. Naupo ako sa tabi ni OM. 

"Good afternoon Ma'am... Sir..." bati ko kina GM at SO.

Tumawa naman si OM at sinabing "Mukhang kinakabahan ka Yel... Okay ka lang ba?"

At tinawanan lang din ako nila GM at OS. Tahimik lang akong nakaupo habang hinihintay sila. Busy sila sa mga laptop nila kaya nagpapaka busy din ako sa cellphone ko kahit wala naman akong katext. hahaha. Maya-maya ay biglang nagsalita si OM.

"Masaya ka ba sa Operations Yel?" seryosong tanong ni OM habang busy pa din sya sa laptop nya. 

Hindi ko alam isasagot ko kaya matagal bago ako nakapag salita.

"Oo naman Sir.. Nag eenjoy naman po ako sa ginagawa ko." nasabi ko na lang kahit na deep inside, naboboring na ko sa everyday routine ko.

Tumingin sa akin si GM. Ngumiti at isinara ang laptop nya.

"May idea ka ba kung bakit ka namin pinatawag ngayon?" seryosong tanong nito.

Nag simula na akong kabahan kaya umiling na lang ako. Sh*t. 3 months pa lang ako pero bakit feeling ko matatanggal na ko sa work?

"Wag nyo naman pakabahin si Yel Ma'am...." biglang singit ni SO at tumatawang isinara ang kanyang laptop.

Tumingin ako kay OS at ngumiti. 

"Hindi ka ba nabobored sa ginagawa mo?" nakangiting tanong ni GM sa akin.

Ngumiti ako at "Hindi naman po sa nabobored dahil everyday naman po may challenge sa trabaho ko especially dito po sa Operations ay napaka bilis na facing. Kung di ka sasabay, mapag iiwanan ka." makahulugang sagot ko.

Tumango si GM at ngumiti. "Alam mo kasi Yel, malapit na ang Global Audit natin at napakaraming requirements na kailangan." tumigil sa pagsasalita si Madam at makahulugang tumingin kay OM. "Di ba Boni?"

"Yes Ma'am." mabilis namang sagot ni OM. "Wag na nga tayong magpaligoy ligoy pa... Mukhang kinakabahan na si Yel eh oh...." natatawang sabi nito.

Tumayo si OS at pumunta sa likuran ko. Hinawakan ako sa magkabilang balikat at sinabing "Basta Ma'am, ito ang bet ko, ito ang manok ko." sabay tapik tapik sa balikat ko.

Gustong gusto kong sumabat sa usapan nila at sabihing "will you guys tell me what the fuck is happening?" Pero syempre... Di ko pwedeng gawin yun. hahahaha Shi*t na kasi ang kabang nararamdaman ko ngayon. Yung feeling na, anytime pwede kang mawalan ng work.

"Sige na, ako na...." sabi ni GM. Tumingin sa akin ng eye to eye kaya tiningnan ko din sya ng eye to eye kahit na kabang kaba ako. "Yel, nag meeting kasi kami kahapon, sa Mancom, nabanggit nga yung tungkol sa Global Audit. So, Christian (OS) need a reliable asst.para magawa ang lahat ng kailangang i-prepare." 

Tumango tango lang ako habang nakatingin pa din ako kay GM.

"So yun nga, starting Monday, you will be under your Sir Christian as Asst. Safety Officer. Kailangan ka nya dahil yung current assistant nya mukhang hindi effective. Magpapalit lang kayo ng position." nakangiting sabi ni Madam.

Speechless. Parang nag loloading pa sa isip ko ang mga sinabi ni Madam. One... two... three.... Tama ba narinig ko? Asst. Safety Officer? Kaya ko ba yun? Sh*t. Kumakabog ang dibdib ko. Namamawis ang kamay ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Kaya ko ba?

To make the story short, ayun, naging Asst. Safety Officer ako. Super busy ng mga lumipas na araw. Lagi kami sa labas ni Sir Christian. Route assessment. Everyday trip from Pasig to Batangas. Tapos pagkagaling sa Batangas, mag stop over pa kami sa SB sa Slex to submit other requirements. Spell B-U-S-Y. Hay. 

Nandito ako ngayon sa Operation Center. Nakiki office sa bagong Operation Staff na si Phia. Pero wala sya, absent. Kaya eto, mag isa na naman. Busy akong mag update sa mga RAP tracker namin sa Safety ng dumating si Sir Christian. 

"Yel... long time no see..." bungad ni SO na may halong pang aasaar. Pang aasar dahil kagabi lang eh magkasama kami. "May kasama pala ako, tulungan ka nyang mag update sa database mo." sabay upo sa tabi ko sa conference table.

"Ah yung truck database po ba?" lingon at tanong ko kay SO. 

Sumagot naman ito ng tango. Maya maya'y narinig kong bumukas ang pinto, hindi ko agad nakita kung sinong pumasok dahil nakatalikod ako sa pinto.

Tumayo si SO sa tabi ko at lumipat sa tapat ko. "Dyan ka na sa tabi ni Yel... Para tulungan mo sya sa mga kailangan ma-update dahil sya nahahawak ng database na yan". sabi ni SO sa bagong dating na di ko pa rin nililingon dahil may tinatapos akong report.

Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Pag click ko sa send botton ng email ko, nilingon ko kung sinong nasa katabi ko at laking gulat ko ng makilala ko ito. 

Oo. Sya nga. Si Miss masungit at mataray. Si Ms.Jo ng HR dept namin.

Kapag minamalas ka nga naman oh. Puyat na nga, ganito pa makakasama mo. Tss.

"Oh Yel, ikaw na bahala kay Jo ha... Aalis na ko dahil may meeting oa kami sa head office. Buong week mo syang makakasama dito para matapos na agad yang database na yan." sabay tayo ni SO at dirediretsong lumabas ng office.

"Sige po..." nasabi ko na lang kay SO.

Ilang minuto ang lumipas bago sya nagsalita.

"Ma'am... simulan na natin?" nakatingin sa aking tanong ni Jo.

"Ah sige, nasan ba yung database?" ngiting tanong ko naman.

Natapos din namin ang database nung hapon. Masyadong formal ang naging conversation namin. Kasabay ko sya ngayon sa tricycle. Dahil medyo masikip sa loob, itinaas nga ang braso nya iniunat sa may likuran ko. Alam kong nangangawit na sya nun kaya sabi ko na lang na okay lang kung ipatong nya lang sa balikat ko. Sa una ay ramdam kong naiilang sya pero dahil traffic at ramdam kong nangawit na sya, tuluyan na nyang inilapat ang buong braso nya sa balikat ko. 

Ang eksena sa loob ng tricycle? A-W-K-W-A-R-D.......

Dedicating this Chapter to @linjert20, silent voter ko. hahaha Salamat Kamahalan, namiss kita kulitin ;)

-emptysweethanger

There's No Easy Way To Break Somebody's HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum