Chapter VI: LDR

645 18 10
                                    

"Hold your head up high, put a smile on your face, even when you want to cry." - Status Shuffle

Chapter VI

Jo's POV

"I love you Jo..."

Hindi ako nakakilos. Sinundan ko na lang ng tingin si Yel sa pag sakay sa fx. Pagkaalis ng fx ay nag simula na akong maglakad patungo sa sakayan ng bus. Ilang minuto din ang pinag hintay ko bago makasakay ng bus pauwi sa bahay. 

1....

2....

3....

Loading…….

Until now tulala pa rin ako habang naka sakay sa bus. Tama ba yung narinig ko? Alam kong nakangiti ako ngayon at malamang, nakatingin na sa akin ang katabi ko. Pero wala akong pakialam. Gusto kong magsisisgaw sa tuwa pero syempre, nakakahiya. 

Pag dating ko sa bahay ay agad kong tinext si Yel. After 15 minutes, wala pa din. Nag shower muna ako and some night routine. Nakahiga na ko sa kama when i check my phone. Missed call from Yel. Dali dali akong nag return call. Ilang ring pa lang ay sinagot nya na ito.

"Hello babe!" masiglang bati ko sa kanya.

"Sorry di agad ako nakatext, lowbat eh, nag charge muna ako. Pero okay na, nakahiga na nga ako eh..." paliwanag ni Yel.

"Okay lang.. HHhhmmm.. Babe?" kinakabahan akong magtanong sa kanya.

"Hhmmmm?"

"ahh.. wala.. hahaha... miss na agad kita.." nasabi ko na lang. Gusto ko sanang itanong yung nangyari kanina sa pila sa fx pero naunahan ako ng hiya.

Ilang minuto din kaming nag kwentuhan. Nagpaalam lang sya dahil 12MN na. Maaga kasi syang pumapasok.

“Sleep na ko.... Maaga pa ko mamaya.” Naghihikab na sabi ni Yel.

“Yeah… okay.. Sleep tight babe… I love you…” Papatayin ko n asana pero…

“I love you too…” mahina pero sapat na para marinig ko ang sinabi ni Yel.

Yel’s POV

Saturday na naman. Our weekly date. Nandito ulit kami sa movie haus. Every week, ito na ang naging bonding namin. Mahilig sa horror movie si Jo kaya kahit na ayaw na ayaw ko sa horror movie eh nandito pa rin ako,  sinasamahan sya sa trip nya. Madalas, hindi ko naman naiintidihan story ng movie na pinapanood namin. Makasama ko lang sya, yun lang ang importante sa akin. Medyo loose na ko sa feelings ko kay Jo. Mahal ko sya. At bumabawi ako sa ilang buwan na pinag hintay nya sa akin maging ready lang ako.

Transport Supervisor. My new position. At kaakibat ng promotion na yun ay ang pag base ko sa Batangas City. May one week na lang ako para ma-prepare kung anong dapat kong iwan sa bagong staff namin. Ilang araw ko nang pinag iisipan ang bagay na yun. Okay naman na sa family ko, pero di pa namin napag usapan ni Jo. Alam kong may idea na sya tungkol dun dahil lahat naman ng naging TS namin ay dun naka base.

Our usual Saturday date. Kakatapos lang naming manood ng isang horror movie. Nag lalakad kami sa mall, hanggang sa mapadpad kami sa department store. Nag iikot lang kami nung tumingin tingin si Jo ng pillow.

“Babe, ano sa tingin mo?” tanong ni Jo habang pinapakita sa akin ang isang mahabang blue pillow.

“Okay naman..” inabot ko ang pillow at inakap. “Pwede nang yapusan yan babe…” nakangiti kong ibinalik sa kanya ang pillow.

There's No Easy Way To Break Somebody's HeartWhere stories live. Discover now