Chapter Thirty-Two

Start from the beginning
                                    

Hanggang sa huli, hindi alam ng grupo ni Sid kung ano ang nangyari sa kanila. Nang makita nila si Cecil sa loob ng kweba, bago pa man sila makapag-handa, kaagad na silang nawalan ng malay. Walang sino man sa kanila ang nakakita sa ginawang kilos ng lalaki.

Nang makita ng mga tao na nanonood mula sa grand stand ang pag-labas ni Cecil, kaagad silang nagtaka. Kakapasok lang ng lalaki sa loob ng kweba, napaka-bilis ng pag-labas nito. Wala bang laman ang kweba na iyon?

Ang buong akala nila ay matatagalan ito sa loob ngunit parang dumaan lang talaga ito sa loob nang walang aberya. Nakaramdam sila ng pagkadismaya.

Mula sa tower, naghihintay si Tammy sa pagdating ni Cecil.

Nakita niyang lumabas ito ng kweba at tumingin sa kanya. Hinawakan nito ang lubid at mabilis na umakyat pataas. Tila walang gravity na pumipigil dito.

Maliksi itong tumalon papasok sa bintana na parang pusa.

Mula noong unang nakita ni Tammy si Cecil, nabuo na sa isip niya na parang isang persian cat ang lalaki. Palagi itong naka-suot ng puti, elegante at malinis. Maging ang bawat kilos nito ay kalkulado at walang pagkakamali.

Lubos ang paghanga ni Tammy kay Cecil. Pero kung malalaman lang ni Cecil na ikinukumpara siya sa isang persian cat, siguradong hindi nito iyon magugustuhan.

"Teacher..." bati ni Tammy nang tumayo sa harap niya si Cecil.

Inalis ni Cecil ang suot na salamin. Ang mga mata nito ay kulay ng hazel; mga kulay ng green, brown at amber. Kung makikita lang ito ng ibang tao, siguradong mababato balani sila.

Gamit ang mababa at matamis na boses ng lalaki, binati nito si Tammy.

"Natasha, my dearest student."

***

Hingal na hingal si Willow habang nagpapahinga sa ilalim ng isang puno. Kakatakas lang niya sa isa na namang booth. Nagtataka siya kung bakit palagi nalang siya ang napagdidiskitahan ng mga ito.

Kung malalaman lang ni Willow na ang upright at easy to bully niyang hitsura ang dahilan nito. Mas mabuti na bumili na siya ng maskara ngayon palang.

"Ang weird, ang sabi nila nasa tower daw si Tammy Pendleton..."

"Mukhang nasagip na siya kanina, e."

"Paano na natin siya mahahanap?"

"Baka makasalubong natin siya kapag naglakad tayo."

"Unahin nalang natin yung ibang Kings. Gusto kong makita si Nino!"

"Gusto kong makita si Oppa!"

Usapan ng apat na babae na nasa ilalim ng puno ang pumukaw sa atensyon ni Willow. Bigla niyang nakalimutan ang pagod niya. Sumilip siya sa kabilang side ng puno at nakita ang apat na pamilyar na babae.

"Lovely? Ara, Kristin at Lisa, ano'ng ginagawa ninyo rito?" tanong ni Willow sa apat.

"Willow?" sambit ni Lovely. "Nandito ka rin?!"

Ang apat na babae ay schoolmates ni Willow sa St Celestine High. Members sila ng photography club na sinalihan din niya.

"Bakit ninyo hinahanap si Tammy?" nagtatakang tinignan ni Willow ang apat. Hindi siya close sa mga ito pero dahil members sila sa iisang club, nakakausap niya ang mga ito.

"Kilala mo rin si Tammy Pendleton? Nakita mo ba siya?" tanong ni Ara.

"Magpapa-picture sana kami kasama ang mga Kings e," paliwanag ni Kristin.

Hindi man halata pero nagulat nang husto ang apat na babae. Kilala nila si Willow Rosendale. Member ng photography club at isang class president. Masasabi na mailap na tao si Willow. Nakikipag-usap man ito sa mga kaeskwela pero hindi ito nakikipag-lapit. Para bang may nakatayong pader sa paligid nito. May sarili itong mundo. Kaya naman nagulat sila nang makita sa event ng Pendleton High ang babae.

High School ZeroWhere stories live. Discover now